Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MAY KOLEKTOR SI NBI DIRECTOR MENDEZ

$
0
0

SA Philippine National Police (PNP), madalas akong nakababalitang mayroong ‘tong collector’ ang mga opisyal dito.

Katulad sa panahong ito, regular na umiikot ang isang alyas ‘Greg’ sa mga iligal na negosyo sa Metro Manila kung saan ipinangongolekta umano si Director Mel Valmoria, ang hepe ng National Capital Region Office ng PNP.

Ang balita ko riyan ay P50,000.00 ang sinisingil ni Greg gamit ang pangalan ni Valmoria.

Pero, ibang klase na ang antas ng kabulukan ng mga institusyong taga-implimenta ng mga batas kung maging ang National Bureau of Investigation (NBI) ay pinasok na rin ang tong-collection business.

Sabi ng kababayan ko sa NBI, isang alyas N. Gadia ang bali-balitang ipinangongolekta si Atty. Virgilio Mendez.

Pero, hindi solo ang operasyon ni N. Gadia dahil mayroon umano siyang pangkat ng mga abogado para makakolekta ng maayos sapagkat napakalawak ng sakop ni N. Gadia.

Ang mga kolektor ni N. Gadia ay ang mga abogadong sina Frank, Rudy, Manny Maks, Joff at Merced (dinagdagan na natin ng 3, kaya anim sila) na pawang taga-operations daw ng NBI.

Ang tindi ng pangkat ni N. Gadia dahil hindi lang ang sangkot sa droga ang pwersahang kinikikilan nila gamit ang pangalan ni Direktor Virgilio Mendez, kundi ultimong night club, sakla at peryahan.

Alam ko na alam na alam ni Direktor Virgilio Mendez na mahigpit na ipinagbabawal sa batas na mangolekta at mangikil ang mga taga-NBI.

Alam ko na alam na alam din ni N. Gadia at ng kanyang mga ‘bataan’ na labag sa batas ang kanilang ginagawa.

Ang tanong: Bakit nagagawa nina N. Gadia ang mangolekta o mangikil gamit ang pangalan ni Direktor Mendez?

Ayon sa kababayan ko sa NBI, hindi niya matukoy nang eksakto kung nakatimbre kay Direktor Mendez ang iligal na ginagawa nina N. Gadia at iba pang abogado na taga-operations daw ang mga ito, kasi ang yayabang kung kumilos at umasta.

Alam mo ba ito Direktor Virgilio Mendez ang ginagawa ng isang alyas N. Gadia?

Totoo bang inutusan mo ang alyas N. Gadia na ito na ipangolekta para ikaw ay yumaman?

XXX
Problema at reaksyon ninyo, itawag sa: 09985650271, o mag-email sa: akosibadilla@yahoo.com BADILLA NGAYON/NELSON BADILLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>