UNAHIN na muna nating hubaran ng kanyang suot na maskara ang pulis na si Alex Cariaso na nakatalaga sa Presinto 4 ng Manila Police District (MPD), Sampaloc, Manila.
Si Cariaso ay rating naka-assign sa PS-9 sa pamumuno ni Supt. Maan Muarip pero ‘di nagtagal ay nalipat sila ni Supt. Muarip sa PS-4.
Kung tong-collector noon si Cariaso ng mga kailigalan sa PS-9 ay ganundin ang naging papel niya sa PS-4.
Pero bukod sa pagiging tong-collector niya ay may iligal o raket din siya.
Ano ‘yun?
Operator din siya ng mga video-karera at maintainer ng illegal horse race bookies sa buong area ng Sampaloc.
Ibang klaseng pulis si Cariaso kung manghingi ng lingguhang I.N.T. (intelihensiya) sa mga iligal na pasugalan, P1,000 per butas ang ‘tara’ niya sa mga operator.
Pero huwag ka, ‘yung mga vk at bookies ng karera niya ay malayang nakapag-o-operate kahit walang I.N.T. (intelihensiya ) sa PS-4.
Palibhasa isa siya sa mga operator ng mga pasugalan kaya binabawi na lamang niya ang panghihingi ng ubod laki na I.N.T. sa mga operator.
He..he..he..tengene mo.
Ano kaya ang masasabi ni NAPOLCOM Vice-Chairman Eduardo Escueta sa mga pulis na “hoodlum in uniform” gaya nitong si SPO3 Alex Cariaso ng MPD-PS-4?
Hindi lang siya…. Abangan!
LANTARAN ANG BOOKIES NG STL
Patuloy pa rin na namamayagpag at lantaran ang bookies ng Small Town Lottery (STL) ng dating mayor na si Edwin Ramos alyas ER sa Los Baños at Bay, Laguna.
Ang tindi talaga ni ER, kahit ilang beses ninyong pag-uupakan sina Los Baños Mayor Ceasar Perez at Bay Mayor Bruno Ramos ay hindi umaaksyon ang mga ito.
Hindi ko lang alam kung gaano katotoo na malaki ang tongpats nina mayor sa bookies ni ER.
Magkano kaya ang parating na tongptas ni ER?
***
Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA
