Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

10,000 PATAY SA NEPAL; PINAS HINDI HANDA

$
0
0

AABOT sa 10,000 katao sa Nepal ang patay dahil sa lindol na kasinglakas ng lindol na tumama sa Baguio-Cabanatuan sa Pilipinas noong 1990.

Ito ang pahayag mismo ni Nepal Prime Minister Suchil Koirita makaraang matagpuan ang mahigit sa 4,400 nang patay na natabunan ng mga gumuhong yelo at lupa mula sa kabundukan at mga gumuhong gusali.

Isa rin sa mga pinagmumulan ng mga patay ang mga nasalbang sugatan na grabe ang kalagayan lalo’t hindi na kakayanin ng mga ospital na tanggapin ang lahat ng mga nasugatan sa sakuna.

Ang isa sa mga inaantabayan natin ay ang balitang maaaring may mga Pinoy na namatay rin sa nasabing bansa.

Sapagkat may mga Pinoy na nakatira roon bilang mga turista, may pamilya at iba pa.

Maghanda na lamang ang mga pamilya na tumanggap ng katotohanan sakaling may lilitaw na patay na Pinoy.

Humiling lamang sila ng tulong at tiyak namang hindi maglilipat oras ay may tatakbo nang kakalinga sa kanila.

PINAS HINDI PA HANDA

Habang may kaba at naririndi tayo sa pag-aabang ng mga balita sa pangyayari sa Nepal, mga Bro, napakasama naman ang sinasabi ng mga eksperto kung ang mahal kong Pinas ang pag-uusapan.

Hindi handa ang Pinas, lalo na ang Mega-Manila, laban sa lindol na magsimula sa lakas na 7.2 pataas.

Mega-Manila ang ta-wag sa kabuuang lugar na binubuo ng Metro Manila, Bulacan, Rizal, Laguna, Cavite at Batangas.

Maaaring manggaling ang malakas na lindol sa Marikina Fault Line o bitak ng lupa na magmula sa Bulacan at Aurora at daraan sa Metro Manila hanggang sa Laguna at Cavite.

Kaya naman, dapat na magsagawa umano ng audit ang lahat ng mga gusali at imprastraktura sa mga lugar na ito upang malaman ang mga kahinaan ng mga ito at magawan na rin ng paraan.

BAHAY, MALL, SIMBAHAN…

Kabilang sa mga dapat na i-audit ang mga bahay, mall at simbahan lalo’t masasabing laging may maraming tao o dinarayo ang mga ito.

Paano kung maganap nga ang lindol sa mga oras na bukas ang mga mall, may nagsisimba at nasa mga bahay naman ang mga pamilya?

Sa usaping bahay, napakarami ang mga luma at ang mga bago naman na low cost housing ay sinabi na mismo ng mga awtoridad na marurupok at mas mauna pa ang mga ito na magiba kaysa mga toreng gusali.

Nakita naman natin ang mapait na nangyari sa Bohol nang magiba ang maraming simbahan, lalo na ang mga luma.

Wala namang nakatitiyak sa tibay ng mga mall, maging ng mga condominium at iba pang high rise na gusali dahil sa karanasan natin sa nangyari sa Baguio at Cabanatuan noon.

Halos bumitak at gumuho lahat sa lindol na may lakas na 7.8 at ikinamatay ng mahigit sa 1,600 katao.

LRT, MRT

Nang minsang nilindol ang Japan ilang taon na ang nakararaan, nagmistulang natumbang domino ang mga LRT/MRT nila, nalaglag ang mga tumatakbong tren at nadaganan ang dumaraan sa mga kalsada na mga sasakyan at tao. Marami ang patay sa Japan noon.

Paano ang mga LRT/MRT natin? Paano kung kasalukuyang tumatakbo ang mga ito at magiba ang mga riles ng mga ito sa mga panahon na nasa lansangan ang maraming tao?

MGA TULAY AT KALSADA

Paano rin ang mga tulay at kalsada na maaaring magiba at mabiyak?

Malaki ring disgrasya ang aabutin ng mga mamamayan dito.

LPG, GAS AT KURYENTE

Puno ang maraming gusali sa Metro Manila ng mga sentralisadong liquified petroleum gas bilang panluto.

Makikita ito sa mga condominium at sumabog pa nga ang Serendra noon nang may sumingaw na tubo ng LPG.

Marami ring tubo ng mga kumpanya ng langis gaya ng nasa ilalim ng gusali sa Makati na nilisan ng mga may-ari dahil sa lakas ng singaw ng gasolina mula sa lupa.

Mababaw naman ang mga poste ng kuryente at marami sa mga ito ang may isang metro lamang na lalim.

Paano kung may mga pagsabog at may buhay na mga kawad ng kuryente sa mga matutumbang poste?

GRABENG PINSALA

Ibig-sabihin ng lahat ng mga ito, mga Bro, na bukod sa pagguho ng mga bahay, mall, condo, tulay na tiyak na ikamamatay ng mga madadaganan, tiyak ding may mamamatay sa mga sunog at kuryente.

Baka naman hindi lang 35,00-50,000 ang mamamatay, 120,000 ang masusugatan at 3-milyon ang ilalagay sa mga evacuation center.

Sa Metro Manila lamang, may 15-milyong regular na residente.

Paano kung madoble ito gaya ng panahon ng pasukan sa eskwela at trabaho at magkalindol? Nasaan ang mga search and rescue, doktor, bumbero, lalo na ang mga opisyal ng gobyerno sa ganitong kalamidad?

o0o
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>