SI President Noynoy ang namili ng mga taong hinirang niyang maging kasapi ng kanyang peace council.
Siyempre, ang mga taong ito ang magpapatunay na constitutional ang proposed Bangsamoro Basic Law (BBL).
Sino ba ang nagbalangkas ng ating kasalukuyang Constitution? Si Pangulong Cory mismo ang nag-hand-pick ng mga miyembro ng isang constitutional commission na nagsulat ng ating constitution.
Alam naman ninyo na ang ating Cory Constitution ay napaka-imperfect at puno ng probisyon na lubhang magulo.
Ngayon, sinasabi ng peace council na itinatag ni Pangulong Noy, na ang BBL, na si Noy at ang Moro Islamic Liberation Movement (MILF), ay naaayon sa ating Constitution.
But of course. Si Cory ang nagtayo ng constitutional convention at si Noy rin ang nagtayo ng peace council.
Ang peace council ay itinatag upang malaman kung labag ba sa Saligang Batas ang BBL. No, sir, sabi ng peace council. No rin ang malamang na sabihin ng House of Representatives na ang majority ay pro-Aquino.
Ano ba ang sabi ng council na ito na ang tagapagsalita ay dating chief justice Hilario Davide na ama ng gobernador ng Cebu na pro-Aquino?
Ayon kay ex-chief justice, ang layunin ng MILF-BBL ay right to self determination at hindi right to statehood.
Play of words yata ito. Ang self-determination ay statehood. The key word naman ng MILF ay liberation. Liberation ay freedom, freedom to self-determination at hindi autonomy.
Ang BBL, diin ng peace council, ay naaayon sa Constitution kaya hinihimok nito ang buong Congress na ipasa na ang BBL at i-confirm na ito sa isang plebisito.
Hindi kaya magkaroon ng dagdag-bawas sa plebisito? Paano bibilangin ang mga boto?
Magkararoon kaya tayo ng bagong hokus-pokus sa Mindanao? DEEP FRIED/RAUL VALINO