Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

KAPRITSO

$
0
0

NABIGYAN-KATARUNGAN sana ang pagkamatay ng isang 8-taong gulang na batang lalaki na nasagasaan noong Lunes ng umaga sa Sta. Mesa, Maynila kung gumagana sana ang mga CCTV sa lugar.

Kalunos-lunos ang inabot ng murang katawan ni Erimar Yubia, ng 6883 V. Mapa St., Sta. Mesa sapagkat nawasak ang mukha at ulo nito matapos mahagip ng hindi pa mailarawang sasakyan.

High-tech na ang mundo kung kaya dapat ay makikilala ang sasakyan kabilang ang tsuper nito na walang konsensya at nagawang takbuhan ang kanyang responsibildad na dapat panagutan sa pagkamatay ng kanyang biktima.

May nakakabit ngang CCTV subalit hindi naman umaandar o kapaki-pakinabang ang gadget na sana’y tutulong na malutas ang kaso nang pagkakasagasa sa batang pinalaki at inaruga ng kanyang lola.

Ayon sa isang opisyal ng barangay, ginastusan ng pamahalaang Lungsod ng Maynila ang pagpapakabit ng CCTV sa kanilang lugar. High-definition (HD) pa ang gamit subalit inutil naman ito.

Hindi dahil kinatkong ng mga tauhan ng city hall ang perang ginamit sa pagpapakabit ng CCTV subalit, anang opisyal ng barangay.

Binaklas ang mga gamit ng mga miyembro ng Presidential Security Guard, este, Group pala upang hindi ma-monitor ang pagdaan ni Presidente Benigno Aquino III sa lugar mula sa kanilang bahay sa Times St., sa Quezon City.

Mapanganib daw sa buhay ng Pangulo na nakikita ang kanyang mga dinaraanan. Posibleng ma-pattern daw ng mga nagtatangka sa buhay nito ang kanyang mga dinaraanan.

Halos lahat umano ng CCTV sa kahabaan ng Ramon Magsaysay Blvd. ay pawang disabled dahil nga sa ayaw ni Pangulong Noynoy na makita ang kanyang mga dinaraanan lalo’t ang nakaupo sa Manila City Hall ay hindi naman niya kapartido o kakampi.

Kung ang magiging dahilan ng PSG ay para sa kapakanan ng Pangulo kung bakit hindi nila pinapayagan ang paggana ng mga CCTV, dapat ay hindi na ipinagyayabang ni PNoy na ang mga mamamayan ang kanyang “Boss.”

Nagiging “busabos” lang ang mga dapat sana’y kanyang tinutulungan upang makaahon sa kahirapan. Hindi nabibigyan-katarungan ang mga mahihirap na ang buhay ay madalas sa kalye lang.

Kailan maiisip ni Pangulong Aquino na sobra-sobra na ang sakripisyo ng mga mamamayan dahil lang sa kanyang kapritso? Unawain naman niya ang mga mahihirap na patuloy na naniniwala na maganda ang kanyang palakad sa pamahalaan at iniangat ang antas ng kabuhayan ng mga mamamayan lalo na ang mahihirap.

Sana, maisip ng Pangulo na maraming sakripisyo ang mga mamamayan para maitaguyod lang ang kanyang termino at huwag siyang mawala sa trono hanggang 2016. PAKUROT/LEA BOTONES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>