Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MARY JANE VELOSO, ET AL.

$
0
0

NAKIISA tayo. Nanalangin. Nanawagan para isalba ang buhay ni Mary Jane Veloso, isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa Indonesia. Ngunit ang Indonesia ay may batas. Mahigpit ang kanilang pagpapatupad kahit sino pa man ang sangkot. Ganyan din ang patakaran sa Singapore at maraming bansa na sumusunod sa mga batas na nilikha.

Katulad ng sinabi ni Indonesian President Jokowi Widodo sa mga opisyal natin at kay Pangulong Benigno Aquino III, “Na kay Mary Jane ang aking simpatya ngunit igalang natin ang batas ng Indonesia.” Igalang!

Si Mary Jane ay kabilang na sa maraming nauna na OFW na binitay. Ang huli ay tatlong Filipina sa China. Mayroon pang mga Filipino sa kulungan ng China na nakahilera sa bitayan. Mayroon ding nahuli sa Kingdom of Saudi Arabia at   ilang bansa sa Gitnang Silangan na ang kaso ay tungkol sa iligal na droga lalo na’t heroin ang dala. Tama na ‘yung iba ay shabu “lang” daw pero iligal pa rin ‘yan!

Sa usapin ng simpatiya, bilang kababayan ay hindi matatawaran ang pagsuporta sa ating mga OFW katulad ni Mary Jane Veloso et al. Totoo ang mga OFW ay BAGONG BAYANI pero kabayanihan ba ang masangkot sa krimen, lalo na kung ito ay iligal na droga?

Ilagay natin ang ating sarili sa tamang pagtanaw ng tama at mali. Kung tama ang OFW, kahit hanggang kamatayan, ipaglalaban natin sila hanggang sa huling patak ng ating dugo.

Bayolente na kung bayolente! Sa ating pagtatanong at kaunting pagsaliksik, ang tulad ni Mary Jane Veloso ET AL, ay totoong BIKTIMA. Biktima sila ng sobrang kahirapan sa ating bansa. Wala kasing mapasukan na trabaho. Trabaho na sapat ang sweldo para mabuhay ng disente ang sarili at pamilya.

Dahil kapit sila sa patalim, ang ibang nabitay ay totoong sangkot sa pagdadala ng iligal na droga bilang “DRUG COURIERS” hindi lang sa China at Indonesia kundi sa maraming bansa pa. Kasama riyan ang Gitnang Silangan na kilala sa pamumugot ng ulo ng nagkakasala sa kanilang batas.

‘Yung ilan sa kanila ay maituturing na propesyunal na drug courriers. Kapag mainit na sila sa mga awtoridad sa pinagpapasukang bansa, hayun na, naghahanap sila ng makakasabwat kung hindi man mabibiktima katulad ng nangyari kay Mary Jane.

May mga nakausap tayo na ilan sa kanila pero nagbago na “raw” sila ng linya. Malaki ang pera sa iligal na droga. Isang biyahe lang, pwede nang magpahinga, ayon sa mga “professional drug courriers”.

Kung batay lang sa kwento ng pamilya, nakaaawa nga ang katulad ni Mary Jane et al. Pero papaano kung sadyang alam nila ang kanilang dala dahil malaki ang kapalit na pera? BALETODO/ED VERZOLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Inggit Quotes and Kabit Quotes – Tagalog Patama Quotes


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


PreSonus FireBox - handly interfaz de


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


5 Tagalog Relationship Rules


Re: lwIP PIC32 port - new title : CycloneTCP a new open source stack for...


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.5.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>