Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SELECTIVE JUSTICE

$
0
0

MUKHANG pinipili lang ng kasalukuyang administrasyon ang kanilang idiriin o kakasuhan kaugnay sa pork barrel.

Ito ang ating nakikita at napapansin dahil bukod kina Senador Jinggoy Estrada, Juan Ponce-Enrile at Bong Revilla, na pawang mga miyembro ng oposisyon ay mukhang nakapokus na ang kampanya laban sa korapsyon ng Department of Justice sa mga laos na politiko na natalo na sa eleksyon o hindi kaya’y sa mga kalaban pa rin ng administrasyon.

Malinaw sa pahayag ni Justice Sec. Leila de Lima na hindi niya ngayon prayoridad ang pagtutok sa 3rd batch ng mga akusado, bagay na lubhang kataka-taka dahil klaro sa kanyang pahayag noong simula na uubusin niya raw ang mga crook sa gobyerno.

Kung tama ang ating impormasyon, ilan sa mga mambabatas na kasama sa 3rd batch na kakasuhan ay sina Senador Gringo Honasan, TESDA boss Sec. Joel Villanueva, Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, isang tapat na kaalyado ni PNoy at kasama sa pinagpipilian ng LP bilang kandidato sa Senado, La Union Rep. Victor Ortega at Abono party-list Rep. Conrado Estrella III.

Bukod sa hindi prayoridad ito ni De Lima ay malinaw na ginagamit niya lang ang PDAF cases sa kanyang pagtakbo sa Senado, bagay na idiniin ni Estrada.

Sa ngayon ay nanatiling nganga ang tatlong senador na ginawang sample ng PNoy administration dahil alam naman nilang sila lamang tatlo ang ginawang target ng DOJ na halatang may utos galing sa itaas. Matagal pa ang itatagal ng kaso nina Enrile, Estrada at Revilla kaya sana’y magising pa si PNoy na meron pang ibang crooks sa gobyerno at marami sa mga ito’y kanyang kaalyado.

###

Tapos na ang kampanya ni PNoy sa mga kurakot sa pamahalaan. Halatadong nakapokus na sila sa 2016 election na importante sa kanila dahil ang mananalo sa presidential derby na ito ang magdidikta ng kanilang hinaharap.

Posible kasing kapag sila ay nasilat o natalo sa 2016 ay magaya sila sa ginawa nila kay CGMA na kanilang idiniin at ipinakulong ng may ilang taon na ang nakalilipas.

Isyung PDAF at DAP ang magdidiin kay PNoy kaya kailangan niyang magdoble-kayod sa kanyang manok sa 2016, lalo pa’t hindi naman gaanong kalakasan itong si Mar Roxas na sinasabing magdadala ng bandera ng LP. ALINGAWNGAW/ALVIN FELICIANO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Papa jack Love Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Inggit Quotes and Taray Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>