Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

LALONG SUMISIKAT

$
0
0

pakurotTALAGANG wala nang dapat pang patunayan si Bureau of Customs Commissioner Ruffy Biazon sa kanyang totohanang kampanya laban sa katiwalian sa kanyang tanggapan sapagkat muli na naman siyang naging laman ng mga pahayagan kaugnay sa mga huling kontrabando sa Cebu City kamakailan na nagkakahalaga ng halos P115 milyon.

Kahit pa sabihin ng kanyang mga kritiko na hindi naman si Biazon ang utak ng paghuli at pagsawata sa mga tiwaling mangangalakal, hindi pa rin maitatanggi na talaga namang siya ang nagtatrabaho upang linisin ang Aduana at palakasin ang kita nito bukod pa sa muling buhayin ang ekonomiya ng bansa.

Kung talagang hinahamon ng mga smuggler ang bida ng Customs, humanda kayo dahil hindi na biro-biro ang ginagawang pagmo-monitor nito at ng kanyang mga tauhan upang matigil na ang pagpupuslit ng mga produkto na nagiging sanhi ng pagliit ng kita ng pamahalaan at pagkalat ng mga peke sa mga pamilihan na sanhi ng pagbagsak ng presyo sa merkado at nakaaapekto sa mga matitinong negosyante.

Nakabibilib na sa loob lang ng isang araw ay iba’t ibang kontrabando na tinangkang ipuslit papasok sa bansa tulad ng bigas, asukal, mga baril at bala, at mga sasakyan subalit nasakote at hindi nakalusot sa matinding pang-amoy ng mga taga-BOC.

Bagama’t may mga emisaryo ang ilang kompanya, hindi nagpasilaw sa kinang ng salapi ang mga tauhan ni Biazon at siyempre maging ang nasabing hepe. Ang masakit at dapat maging leksyon sa mga consignee at broker ay ang kasong isasampa sa kanila ng BOC.

Kaya dapat ay magkaroon na ng araw na hindi dapat pumasok sa iligal.

Sa totoo lang, wala nang kailangan pang patunayan ang dating mambabatas ng Muntinlupa dahil walang halong kalokohan o pagkukunwari ang kanyang paglandas sa “daang matuwid.”

Mamatay kayo sa inggit, sa isip-isip ni Biazon. Bakit?

Kasi naman muli niyang napatunayan na epektibo siya sa trabahong ipinagkatiwala sa kanya hindi lang ng Palasyo kundi higit ang mga mamamayan.

oOo

NAPAKASUWERTE naman ng isang kandidato ng Quezon City na tatakbo sa Kongreso dahil wala siyang kalaban.

Pero ang tanong, suwerte rin kaya ang mga mamamayang dapat niyang paglingkuran? Kasi naman maging ang kanyang kamag-anak ay ayaw sa kanya. Hindi nga siya kinuha sa partido nito.

Ano nga kaya ang tulong na ibibigay niya sa kanyang constituents? Baka naman lip service lang?

Magaling lang mambola ang politikong ito. Magaling ding umepal at lahat ng usapin ay kanyang pinapasok para lang magtagumpay sa kanyang mithiin na makilala sa larangan ng pulitika.

Baka naman ang matulungan lang nito ay ang mga mamamayan na mahuhuli na nagpapataya at tumataya sa jueteng? Hay naku, kawawa naman ang mga mamamayan sa kanyang nasasakupan.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Best Papa jack Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Long distances monthsary message tagalog


Best Inspirational Love Quotes Collection



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>