Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MALING PUNDASYON NG ISTORYA ANG ISINUBO KAY PNOY

$
0
0

188640_Bn75x75WALANG duda na malakas ang karisma ni Pangulong Aquino.

Hindi ito nakapagtataka dahil produkto siya nina Ninoy at Cory na kahit saang anggulo natin tingnan ay minahal ng publiko.

At ang kanyang pinagmulan ang dahilan kung bakit siya nasa Palasyo ng Malakanyang ngayon.

Kung natangay man ng kanyang karisma ang pamahalaan, maaaring totoo ito sa ibang aspeto subalit hindi puwedeng sabihing sakop nito ang buong administrasyon.

Malaki ang political capital na tinatawag para patuloy siyang pagkatiwalaan ng nakararaming mamamayan.

Ang sabi ko nga noong mga unang linggo niya bilang Pangulo, kahit sabihin ni Noynoy na tatsulok ang buwan ay paniniwalaan ng tao. Gusto nga natin na lahat ng pagkakamali sa mga nakaraang administrasyon ay maituwid ni Noynoy.

Gusto nga rin natin ngayon na maganap ang Charter change sa panahon ni Noynoy dahil kahit ano pang arte natin ng pagiging makabayan kuno, maraming probisyon sa 1987 Constitution ang hindi na bagay sa kasalukuyang panahon kaya kailangan nang baguhin.

Kung ikukumpas ni Noynoy ang pag-amyenda sa Saligang Batas, alam nating mangyayari ito basta tiyakin lang na hindi aabot sa puntong mananatili siya sa puwesto after 2016 para hindi magbago ang kanyang popularidad.

***

Ang nagiging problema lang natin sa Aquino administration, marami silang kahinaan, lalo na sa mga oras na dapat sila’y nagpapakita ng lakas.

Mukhang nagpa-panic sila kapag may mga higanteng isyu na bumabagsak sa kanilang harapan.

Hindi ako magtataka kung bakit mali ang paghawak nila sa Sabah crisis.

Nang mangyari ang Quirino grandstand hostage crisis, nakitaan na agad ng kahinaan ang administrasyon sa pagharap sa ganitong krisis. Dito ay isang bus lang ang pinag-uusapan at confined sa isang lugar ang problema.

Ito sanang Sabah crisis ang magbabangong-puri sa administrasyon sa mga palpak nila sa nakaraan kaya lang, talagang dapat aminin nilang super sablay ang paghawak nila rito.

Bantaan mo ba namang kakasuhan at ipakukulong ang grupo nina Sultan Kiram habang nag-aalburuto.

Ang problema kasi natin dito, ang mga nakapaligid kay Noynoy ay nagsubo ng maling kaisipan sa Pangulo.

Mula’t mula, ang pagtrato ni Noynoy ay invaders, intruders at trespassers ang Sultanate of Sulu sa Sabah kahit ang sinasabi ng kasaysayan ay tenant lang nila ang Malaysia.

Hindi ko ngayon masisi si Noynoy kung kumakampi siya sa Malaysia sa halip na ipagtanggol ang teritoryo natin at ang mga kababayan nating Muslim na binobomba sa Sabah dahil maling pundasyon ng isyu ang naibigay sa kanya ng mga magagaling na tagapayo niya.

allanpunglo@yahoo.com


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES