HUWAG naman sanang ipahintulot, kapag walang kumilos sa mga lider natin, malamang ay maubos ang isla na teritoryo natin sa Spratly Group of Islands. Kapag nangyari ito, wala tayong dapat sisihin kundi ang mga politiko!
Mantakin na lang na walang 200 milya ang distansya sa ating economic zone batay sa United Nations Council for the Law of the Seas (UNCLOS), bastusan na sinakop ng China!
At kung hindi pa kikilos ang rehimeng Aquino, malamang na ang bayan ng Pag-asa o Kalayaan ay makuha na rin ng mga Tsinong China, kasama ang Ayungin Shoal na kinalalagyan ng kinakalawang natin na barkong pandigma sana.
Iyan ang masakit. Ang mga lider at politiko natin ay walang malasakit sa ating bayan.
Lantaran na ang pang-aabuso at pang-aagaw sa ating mga islang teritoryo, balewala lang sa mga inutil na politiko.
Ukinnayo!
Ang masakit pa, sa halip na magpakita ng kaunting malasakit, hayun ang mga bugok na politiko sa pang-eepal sa taumbayan dahil sa nalalapit na eleskyon 2016. Ang titibay ng mga mukha ninyo mga buwayang lutang!
Malinaw, wala tayong mapapala sa mga politiko natin tungkol sa usaping ito.
Wala silang paki. Wala silang panahon man lang kahit katiting. Ewan lang sa taumbayan kung iboboto pa ninyo ang mga lintik na politikong iyan.
Dahil wala nga silang pakialam, tayong mamamayan ay may magagawa kahit papaano kung gugustuhin din naman natin. Ito’y sa pamamagitan ng TOTAL BOYKOT SA LAHAT NG PRODUKTONG CHINA!
At sana, magkaroon tayo ng lider na may bayag kahit papaano para pangunahan ang pagbabawal ng pagpasok ng kahit anong produkto mula sa China.
Mayroon ba?
Binababoy tayo ng lantaran ng China. ‘Yung alok nila na unilateral talks sa pagitan nila at mga bansa na sangkot sa agawan ng teritoryo ay panlalansi lang.
Nasabi sa atin ng kaibigan mula sa Foreign Affairs ang kabastusan ng China sa bagay na ito.
Ang totoo, nagpunta ang ilang diplomata natin sa China batay sa lihim na utos ni Pangulong Noynoy Aquino pero sa harapan, binara na sila ng mga lider-Chino na kahit ano ang mangyari, kanila ang mga iligal na inaangkin na mga isla tulad Bajo De Masinloc, Panganiban Reef, Recto Reef at iba pa.
Natayuan na nga nila ng moog ang mga iyon. May magagawa naman si PNOY at kapwa niya mga inutil na politiko kung gugustuhin.
Dahil sakop na natin ang Kalayaan Island, ibuhos nila roon ang pondo para maisaayos ang paliparan, daungan at pabahay sa mga sundalong nagbibigay doon ng seguridad.
Huwag kayong matakaw sa pera, mga hindot na politiko! BALETODO/ED VERZOLA