Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

DFA, NAGING INUTIL SA REHIMEN NI AQUINO

$
0
0

NANG dumalo sa ASEAN Conference si Pangulong Benigno Aquino III (BSA3) sa Malaysia kamakailan, kasama sa kanyang trabaho bilang Pangulo ang pagbigay ng atensyon sa kaso ni Mary Jane Veloso, isang OFW na bibitayin na sana sa Indonesia noong araw na iyon.

Totoo na kinausap ni Aquino si Indonesian President Jokowi Widodo para pigilan ang pagbitay kay Mary Jane.

Iisa at malinaw ang sagot ni Pangulong Widodo kay BSA3, “igalang ang batas ng Indonesia!”

Opo, matibay ang pag-ayaw ni Indonesian President Widodo kay Pangulong Aquino.

Isang sampal ito kay PNOY.

Kumbaga, para nang sinabi ni Widodo kay PNOY na, “Kung hindi kayo marunong sumunod sa batas sa Pilipinas, iba kami sa Indonesia.”

Pero ang kaso ni Mary Jane ay isa lang sa napakaraming kaso ng mga Pinoy, ng mga Overseas Filipino Worker sa iba’t ibang mga bansa.

Marami ang kaso na sinasabi mismo ng mga kababayan natin na gawa-gawa lang katulad ng nangyayari sa Gitnang Silangan.

Ang masakit, katulad sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA), may ilang Filipino umano ang tila sindikato na nagpapahamak sa mga kababayan nating OFW.

Kahit na may sinumpaang salaysay ang OFW na tinestiguhan ng kapwa OFW na wala itong kasalanan, balewala at INUTIL ANG DFA sa ating mga OFW.

Mas masakit pa nang bigyan-pansin ng Attorney General’s Office ang apela ng kampo ni Mary Jane batay sa kanyang sinumpaang salaysay.

Ito ang totoong dahilan kung bakit pinigl pansamantala ang pagbitay kay Mary Jane.

Marami na ang ulat na pang-aabuso ng mga taga-DFA sa ating mga kababayan lalo na sa OFWs, mga bayani na naturingan.

Nandiyan na sila mismo sa embahada ang gusto “umiskor” sa OFW kung ito’y magaganda!

May balita rin tayo na mga baklang opisyal sa mga embahada.

Papaano kung “pogi na OFW” ang nagkaproblema?

Noon naman, wala pa si Aquino sa Malacañan, ay aktibo ang mga opisyal ng DFA rito sa Pilipinas o sa mga embahada.

Mabilis kumilos. Agad ang aksyon. Ligtas ang mga OFWs!

Kaya ang tanong natin ngayon, INUTIL NA BA ANG DFA sa rehimen ni BSA3?

Bakit? Iyan ba talaga ang estilo ng administrasyon?

Maging pabaya. Maging tamad. Maging inutil ng lubusan, lalo na sa paglilingkod sa mga BAGONG BAYANI ng ating bayan, ang OFWs? BALETODO/ED VERZOLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Lagarto para colorear


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Long distances monthsary message tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>