HUMIHIRIT ng rematch si Sarangani Congressman Manny Pacquiao kay Floyd Mayweather, Jr. na tinalo siya via unanimous decision sa MGM Grand Arena, Las Vegas, Nevada.
Rematch kamo? Aba’y neknek mo! Hindi ba alam ni Manny kung paano nila dinismaya ni Mayweather ang boxing fans sa buong mundo dahil sa napaka-boring nilang laban?
Sa tingin ba niya kung mag-rematch uli sila, marami pa kayang maniniwala at manonood sa kanila? WALAAA!!!
Ayon kay Evander Holyfield, wala na ring kwenta kung mag-rematch pa sina Pacman at Floyd.
Kung pareho pa ring nakaaantok na laban ang ipapamalas nina Pacquiao at Mayweather sa rematch, baka patayin na sila ng manonood.
Aba’y sinuswerte naman ang dalawang boksingerong ito kapag nagkaroon pa sila ng rematch.
Kahit naman kasi “langawin” ito sa usaping bentahan ng tiket at pay-per-view, kikita pa rin sila.
Malaking PANLOLOKO na ‘yan. Tingin ng maraming boxing aficionado, raket ang “fight of the century” na ‘yan.
Sabi nga sa isang artikulo sa Amerika, ito’y isang ‘SHOULDER SCAM.’
Bukod sa estilong “shoulder roll”, nagtatakbo at nagyayakap lang kay Manny si Mayweather. Si Manny naman matapos ang laban, umaming may injury pala sa ‘SHOULDER.’
Kung mapatutunayan daw ng Nevada State Athletic Commission (NSAC) na nagsinungaling si Pacquiao sa tunay na lagay ng kanyang balikat ay posible siyang makulong sa kasong perjury.
May pre-fight medical questionaire na pinapirmahan ang NSAC sa kampo ni Manny bago ang boksing kung siya ay may injury. Yes or No lang ang isasagot. Pero sinagot ito ng kampo ni Pacquiao ng “No.”
Pero pagkatapos ng laban, sinabi sa media ni Pacman na may shoulder injury siya. Sinisi pa niya ang NSAC na sinabotahe siya sa hindi pagpayag na maturukan siya ng pampamanhid.
Nagsinungaling si Pacquiao. Kasi’y gusto niyang magpalusot na kaya hindi niya natalo si Mayweather ay dahil nga injured siya. Ngunit sa basa ng mga boxing analyst, sa husga ng mga hurado at sa compubox, talo talaga si Pacquiao.
Kaya ‘wag nang manisi at magpalusot ang “Pambansang Talunan”. Aminin na niyang mas mahusay talaga sa kanya si Mayweather!!! KANTO’T SULOK/NATS TABOY