KAMAKAILAN ay naglabas ng Memorandum of Termination of Contract si Defense Sec. Voltaire Gazmin laban sa magkabakas na Rice Aircraft Services at Eagle Choppers Corporation na binilhan ng dapat ay fully refurbished attack helicopters.
Inilabas ni Gazmin ang Termination of Contract nang mabulgar ang malalang gaguhan sa sana ay bahagi ng AFP modernization ni Pangulong Benigno Aquino III.
Ang helicopters ay para sa ating Philippine Air Force.
Ayon mismo kay PNOY sa kanyang SONA noong nagdaang taon, darating na ang ipinabili niya sa DND na 21 FULLY REFURBISHED ATTACK HELICOPTERS na UH-1H noong Setyembre 21, 2014. Pero 7 lang ang dumating at HINDI FULLY REFURBISHED batay sa kontrata!
Pero lumalabas na ang DND-MTC pala ni Sec. Gazmin ay isang MORO-MORO o palabas lang. Ukinnayo! ANG TOTOO, ang mga dumating na attack helicopters ay hindi UH-1H (Huey) kundi UH-1D na higit na luma ang modelo. Ang matindi pa, nagsara na ang kumpanyang gumagawa ng UH-1D, ang Dornier of Germany. Ibig-sabihin, wala ng mabibilhan pa ng piyesa kapag nasira ang mga bulok na UH-1D!
Pilit sinasabi nina DND Usec. Manalo, Col. Florante Amano at iba pang sangkot sa matiwaling kontrata na pwede ang piyesa ng UH-1H sa UH-1D dahil pareho raw ito ng disenyo? Ibig ba nilang sabihin na dahil magkamodelo, halimbawa ang sedan car ng Mitsubishi sa Toyota, Honda, Isuzu, Ford, Chevy – pwedeng magbaklas at magpalitan ng piyesa ang mga ito?
Ang Notice of Terminationang DND kontra Rice at Eagle ay bogus. Ipaliwanag mo nga Sec. Volt kung bakit patuloy na ginagamit ng RICE & EAGLE ang HANGAR ng PAF sa kabila ng iyong memorandum? Bastusan pa. Inilipat ng Rice para itago ang REFURBISHMENT o PAGBIBIHIS ng UH-1D sa Clark? Bakit? Lokohan iyan Sec Volt!
Batay sa kontrata sa pagitan ng DND at Rice & Eagle, ang inorder ni PNOY na UH-1H bago i-deliver ay dapat FULLY-REFURBISHED na, Mr. Gazmin, lalo kayo Usec. Manalo, Col. amano, et al. Magkano ba talaga? Dapat ay “delivery at place” hindi refurbishment of site.
Sabi ng PAF pilots sa atin, June 22, 2014 pa lamang ay ginamit na ng Rice & Eagle ang hangar ng PAF para ayusin ang UH-1D nila.
Sa PAF hangar, ginamit lahat ang llabe, distilyador, pamihit, pangwelding, pati ang crane at forklift na ngayo’y sira na. Babayaran ba ng kontratista ang mga iyon o bibili uli ang DND PAF ng bagong crane at forklift? Eh ‘di tiba-tiba na naman kayo?
“SAAN KAYO KUMUKUHA NG KAPAL NG INYONG MUKHA?
Sobra na! Tama na!
Mr. Gazmin at buong DND officials na sangkot sa maanomalyang pagbili ng UH-1D, sadya bang sa patuloy ninyong niloloko ang mga Filipino?” BALETODO/ED VERZOLA
