Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

DAHAN-DAHAN, REGION 8

$
0
0

NAGBIYAHE ako sa Leyte kamakailan sa imbitasyon ni Atty. Arthur Saipudin, ang Director ng LTFRB sa Region 8 para sa isang Gender and Development (GAD) seminar.

Tatlong oras akong nagbiyahe sakay ng Ocean jet galing sa Cebu papuntang Ormoc tapos dalawang oras na land trip naman papuntang Tacloban.

Maayos na ang itsura ng lugar mula nang mangyari ang Yolanda kahit marami pa ring masasakit na alaala ng delubyo.

Halimbawa, ang malaking barko na sumadsad at pumatay ng mga tao na nakatira sa pampang ay hindi pa naiaalis hanggang ngayon.

Ang mga nakausap ko roon ay puno pa rin ng mahapding alaala sa dinanas nilang hirap.

Nagkwento sila ng karanasan nila ng paglalakad daw ng 7-oras noon para lang makakuha ng kahit anong makakain.

Sa ngayon ay dahan-dahan nang bumabangon ang Region 8. Makikita naman ang pagsisikap ng mga tagaroon na tumayo, mag-umpisa ulit.

Pero para tuluyan silang makabangon ay kailangan ng tulong ng national government at isang paraan ay ang pag-promote ng turismo sa lugar.

Napakaganda pa rin ng Region 8, hindi maikakaila ang natural na ganda ng kapaligiran. At lalo ngayon kahit na makikita pa ang sugat na dulot ni Yolanda ay napaka-exciting pa rin ng potensyal ng turismo sa lugar.

Sana’y bisitahin natin ang Region 8 at isama sa “gala-schedule” natin dahil ang perang dala ng turismo ay makatutulong ng malaki sa ekonomiya ng lugar.

Malaki ang maitutulong ng bawat isa sa atin. Lalo’t mahilig namang maggala ang mga Pinoy.

Kailangan din lang na mas ma-improve pa ang transportasyon para mas maenganyo ang mga manlalakbay.

Mayaman sa kasaysayan ang lugar, maraming magagandang memories ng history tulad ng pag-landing ni McArthur. At napakaganda ng San Juanico Bridge na dapat makita ng maraming Pinoy.

Hindi kayo magsisisi ‘pag nag-decide kayo na dumalaw. Good luck Region 8.

Naniniwala ako na muli kayong magiging matatag sa tulong ng bawat isang Pinoy.

Dahan-dahan, pero siguradong pagbangon!

***
Mag-email sa ariel.inton@gmail.com o mag-text sa 09178295982 o 09235388984. SIBOL/LTFRB. COMM. ARIEL ENRILE-INTON


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Top Tagalog Love Quotes Online Collections


Mga Patama Quotes and Banat Tagalog Love Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Lagarto para colorear


Love Quotes Tagalog


Two timer Sad tagalog Love quotes


Tagalog Love Quotes 2014 – Best Online Collections


Tagalog God Quotes to inspire you


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.