Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

STOP IT, PACQUIAO!

$
0
0

ANO nga ba ang paki ko kung pakinggan tayo ni Manny Pacquiao o hindi? Ano nga ba ang mapapala ko kung hindi siya titigil sa kanyang paglilinaw sa kanyang pagkatalo kay Floyd Mayweather, Jr.? Natalo si Manny, period!

Tayo’y nagpahayag kaagad sa ating Facebook account ilang minuto matapos matalo si Manny. “Manny lost, that simple.”

Pero nabigla tayo nang mapanood natin siya sa kanyang pagharap sa media na nagsabing kaya siya natalo ay dahil sa masakit at may punit daw ang laman ng kanyang balikat at posibleng “dislocated” pa.

Sa medical test na ginawa, totoo nga at pinayuhan siya ng mga doktor ng El Attrache na kailangan kaagad maopera at magpahinga ng isang taon o mahigit pa.

Lamang, hindi ito ang isyu natin. Ang punto’y ang kanyang kabi-kabilang pagharap sa media na umaming may “tama” ang kanyang balikat kaya hindi niya tinalo si Mayweather. Katulad ng nakita natin sa unang pagharap niya sa media after the fight, magbubunga ito ng negatibong reaksyon laban sa Pambansang Kamao.

Ngayon, hayan na ang “class suit” laban kay Pacquiao mula sa ilang boxing fans. Tiyak, nakikiramdam ang marami na sa sandaling magtagumpay ang unang class suit, sunod-sunod na iyan at malamang kaysa hindi, mauubos ang kinita ni Manny sa kanyang huling laban. Abonado pa siya kapag nagkataon!

STOP IT MANNY PACQUIAO! Huwag mong sirain ang iyong magandang pagkatao na minahal, iginalang at niyakap ng mamamayan ng buong mundo. Huwag mong sirain ang tiwala nila sa iyo dahil lang sa natalo ka kay Floyd.

Ngayon nga, naniniwala na tayo sa masasakit na salita ni Mayweather laban sa iyong manager na si Bob Arum. Pera lang ang habol niya sa iyo. Imagine, 30% sa iyong gross income? Yayaman si Arum, maghihirap ka, Manny.

Sana’y may magpayo kay Pambansang Kamao na itigil na ang kanyang mga panayam na batbat ng daing at reklamo. Okay na ‘yung magulang at madaya si Floyd.

Huwag na yaong kung ano-anong sakit at pagbibintang pa sa Nevada State Athletic Commission na hindi siya pinayagan magpaturok ng “pain reliever”!

Rematch? Lumaban-bawi na si Mayweather.

STOP IT PACQUIAO! BALETODO/ED VERZOLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>