NOONG nakaraang laban ni Pacman kay Mayweather ay muling nagkaisa ang mga Filipino bagama’t marami ang natalo sa pustahan. Magkagayunman, buo pa rin ang tiwala at paghanga ng sambayanan sa pambansang kamao kung si Pacman ay gustong mabigyan ng kasiyahan ang buong mundo lalo na ang mga Filipino sa pamamagitan ng boxing, ganundin si Manila 5th District Councilor Ali Atienza, na sa kagustuhang mabigyan ng kasiyahan ang mga taga-Maynila ay nagpakabit ito ng pay-per-view sa dalawang lugar sa Maynila, sa Baseco at Onyx, sa San Andres para libreng makapanood ang mga Manilenyo.
Kung tutuusin nga ay kayang-kaya ni Ali na panoorin ang nasabing boxing nang live sa Las Vegas pero mas ginusto niyang huwag nang pumunta roon at sa halip ay sumabay na lang sa sigawan at saya ng mga taga-Maynila. Kahit na nga walang pondo itong si Ali ay sinikap niyang makapagbigay ng kasiyahan sa Baseco at San Andres.
Para sa libo-libong nanood ay isang napakalaking bagay na mailibre sila sa panonood ng pinakamalaki at inasam na laban sa buong mundo, at ang gawaing ito’y bahagi na ng pagmamahal at pagpapaligaya ni Ali sa mga taga-Maynila.
Aba hindi biro ang halaga ng pay-per-view. Biruin mo namang sa mga private establishment ay P500 ang pinakamababang singil para makapanood, pero kay Ali ay sinagot niya lahat, katuwang si Cong. Tieng, para mapaligaya lang ang mga taga-Maynila kahit sa simpleng okasyon man lang.
Para sa kaalaman ng lahat, itong sina Ali Atienza at Manny Pacquiao ay magkaibigan na noon pa, ito ‘yung mga panahon na hindi pa sikat si Pacman at naglalaro-laro pa lang sa ilalim ng Sports Commission na pinamumunuan ni Ali Atienza bilang Chairman. Kumbaga, sa pagsisimula ni Pacman naging kasa-kasama at kaibigan na niya si Ali na ang expertise din ay sports. Parang childhood friend, kasi pareho pa silang bagets noon hanggang sa ipakilala ni Ali si Manny sa kanyang ama, at naging tuloy-tuloy na ang panalo at pagsikat nito.
Halos parang magkapatid na ang dalawa dahil itinuring na ni Cong. Lito Atienza na anak-anakan si Manny. Kaya naman lahat ng laban ni Manny ay kasama parati si Ali, pero sa pinakamalaking event na kinasabikan ng buong mundo ay absent siya
Sa bagay, mas maganda na ‘yung ginawa ni Ali. Sa mahal nga naman ng ticket at laki ng magagastos ay minabuting pasayahin na lang ang mga taga-Maynila.
***
Bukas po ang Lily’s Files para sa inyong mga reklamo, suhestyon at komento, mag-text lamang po sa 09353110472 at 09219787042. LILY’S FILES/LILY REYES
