Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BI ‘BLACKLIST ORDER’ WALA NANG PANGIL

$
0
0

MAY pangil pa kaya ang “blacklist order” ng Bureau of Immigration (BI) laban sa mga dayuhang nakagawa ng kapalpakan sa ating bansa?

Naging mainit itong paksa dahil kay Wok Lek Man, isang residente ng Macau Administrative Region ng China, na pinigil ng Bureau of Customs nang dumating sa Mactan-Cebu International Airport galing Hong Kong noong isang linggo, sa hinalang drug trafficker ito.

Isang kahon na may tatlong kilong pulbos ang nakuha sa kanya, pero nang ipasuri sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay negatibo sa ipinagbabawal na droga.

Napag-alaman ng Customs na si Wok ay nailagay sa blacklist order noong Enero 24, 2015, kabilang sa mga dayuhang pinagbawalang pumasok sa bansa. Pero ipinagyabang ni Wok na “lifted” na siya sa blacklist order mula noong Abril.

Sa kanyang pasaporte ay makikitang ilang ulit itong nagpabalik-balik sa bansa.

Inaabot dati ng isang taon bago makapag-aplay ang dayuhan na maalis sa blacklist. Dalawang buwan lang ang nakalipas ay hindi na blacklisted si Wok.

Kung may “special offer” para maalis agad sa blacklist, tiyak na papatok ito sa lahat ng minarkahan ng BI. Ayon sa source ay mapabibilis ang pagtanggal sa blacklist sa mga rasong “humanitarian, economic and political”.

Magkano kaya ang isinukang pera ni Wok para makumbinsi ang mga opisyal ng BI? Ibig din malaman ng karamihan kung ligal ito o nagkaroon ng “lihim” na usapan.

Ang blacklist order ay paraan ng gobyerno na matuldukan ang kalokohan ng mga dayuhan sa Pinas, lalo na ang gumagawa ng iligal.

Pero ano ang magiging silbi at pangil na maipagmamalaki nito kung pera-pera ang usapan at may katapat na presyo ang pag-aalis nito? Ano po’ng masasabi n’yo rito, DoJ Secretary Leila de Lima?

***
SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View. FIRING LINE/ROBERT ROQUE, JR.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>