Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

CONCERT SA MILAGROS AT COL. NA BAGMAN NG SPD

$
0
0

MATINDING kasiyahan ang idinulot sa mga taga-Milagros, lalawigan ng Masbate ang ginanap na concert kagabi nina “Blackjack” at Amazing Peanut.”

Sa loob ng bagong gawa na napakalawak na Milagros Coliseum ay nadama ng mga taga-Milagros sa kauna-unahang pagkakataon na sila ay hindi na taga-liblib o naghihikahos na lugar.

Kasabay ng Milagros Coliseum ang patapos na, malawak at napakagandang munisipyo na sa loob ng kaunti pang panahon ay magbibigay na sa mga taga Milagros ng mga serbisyong kailangan nila.

‘Yan, parekoy, ay dahil sa pagsusumikap ng kanilang Mayor na si Dra. Naty Revil-Magbalon at Vice Mayor Engr. Jose “Junjun” Magbalon.

Hindi natin sinasaklaw ang mga puna ng sinomang kritiko ng bawat politiko. Dahil naniniwala tayo sa kasabihang “hindi kayang sabay-sabay na bigyan ng kasiyahan ang lahat ng tao.”

Ang mahalaga, mismong ang mga proyekto ang nagungusap para sa katotohanan!

Peryud!

-o0o-

Hayop din sa kapal ng mukha nitong isang Supt. Trajano na kilalang “bagman” ni SPD Director C/Supt. Henry Rañola.

Mula sa iligal na sugal, iligal na droga, bold shows at totnakan na nagaganap sa erya ni Rañola ay hindi nakalulusot sa nanlilisik na mga mata ng collectors ni Trajano.

Ayon sa ating tawiwit, tameme ang mga iligalista sa SPD tuwing sumusulpot ang mga collector na sina Rocky Semilia, Rey Boknok, Felix Cruto, Jerry Salustiano, Alvin, Ronel, Bong at Mike dahil astig ang dating ng mga hinayupak.

At hindi raw umuubra ang hirit ng mga iligalista na ma-delay ng kaunting oras sa araw ng collection, dahil ang katwiran ng mga lintek, eh, sila ang minumura ni Trajano kung nagkakaroon ng kaunting delay o kapiranggot na kakulangan ang collection.

King-ina! Totoo nga ba, Gen. Rañola, na bata mo itong nagpapakilalang Col. Trajano? Totoo nga ba na siya ang ini-appoint mo bilang bagman? Dumaan ba sa Comission On Appointments ang kanyang papel? Ehek!

Este, totoo nga ba na sa iyo napupunta ang nasabing collections nitong mga bata ni Trajano?

Aba’y milyones ‘yan lingo-linggo! Na hindi kayang bilangin ng sampung gago!

Hak, hak, hak!

Ano naman ang napupunta sa mga bata ni SILG Mar Roxas bilang contribution mo para sa campaign fund ni Mar sa darating na 2016 elections?

Hmmm, pakisilip nga po nito, SILG Roxas, dahil hindi ka pa nga Pangulo ay talamak na ang mga iligal sa ating bansa.

Dahil mukhang abala sa pangingilak ng pondo ang iyong mga inilagay na opisyal ng kapulisan. Kahit itanong mo pa kay Gen. Rañola! BURDADO/JUN BRIONES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>