NGAYON ay atin namang hubaran ng maskara ang mga pulis na nagtatago sa kani-kanilang mga suot na uniporme at tsapa para gamitin sa kanilang mga iligal na gawain.
Ito ‘yung mga ‘hooddlums in uniform’ na mga mga pulis na magkamal lang ng limpak-limpak na salapi kahit sa iligal na pamamaraan ay kanila itong pinapasok.
Unahin na nating hubaran ang vk operator na si SPO2 Rene Yu na sa huling pagkakaalam ko, eh, naka-assign sa Manila Traffic Police.
E, ang balita ko pa nga, hindi ko lang alam kung totoo ito, tuwing 15/30 lang siya napagkikita sa Traffic Office.
Ang hepe niyang si Maj. Olive Sagaysay lang ang nakaaalam kung totoo ito.
Magkano kaya? (M’jor, picture ako ah. He..he..he..he..)
Kabilang sa mga lugar na may latag ng mga vk ni SPO2 Yu ang MPD-PS1, Pag-asa, Maisan (Sunog-Apog), Benita, Isla, Paraiso, Clemente, Hemosa (itaas), Pampanga, Balut, Younger, Earnshaw at Infanta, Balut, Tondo.
Sa MPD-PS7 ay Solis, Molave, Pilar, Limay, Kamalig, Manuguit, Torres Bugallon, Tindalo, Almeda (kaliwa) at Almeda (kanan).
Ang presinto na kumokolekta sa linggguhang I.N.T. (intelihensya) ay ang PS1 at PS7 at ang collector ay si PO2 Bautista na walang ipinagmamalaking kundi si Mayor Erap.
Totoo naman kaya ‘to? Hambalusin mo ang asungot na ito, Mayor.
Mayroon pa….
PARI AT HENERAL NASA LIKOD NG STL
Lalong namamayagpag ang bookies ng STL ni Jerry Acebo sa Ibaan, Batangas.
Bilib ako sa mamang magbu-bookies na ito dahil hindi siya kayang mapatigil ng sinoman.
Tingnan n’yo, kahit anong gawing na reklamo sa bookies ni Acebo ay hindi siya tumitigil.
E, palibhasa nasa likod niya ang isang dating regional director na heneral ng R-4A, bukod pa sa dating pari na kinilalang si Father Levy.
***
Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA
