Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SIKRETONG BOTOHAN PARA SA BBL, BANTAYAN

$
0
0

IPINAGPALIBAN ng Ad Hoc Committee ng Kamara ang botohan sa pag-apruba o hindi sa panukalang batas na Bangsamoro Basic Law o sa mga kontrobersiyal lamang na partes nito.

Sa ating pag-unawa, kung mga partes na lang ang pagbobotohan, pasado na ang BBL?

Pero may dagdag pang kontrobersiya rito: Ang panukala ng ilang kongresman sa komite na gawing sikreto o executive session ang botohan.

Kinontra naman ito ng ilan kaya mananatiling bukas ang botohan sa media at mamamayan.

Ano ba talaga ang magaganap sa susunod na Mayo 18-20 na araw ng botohan?

MAY MALABO

Rason ng ibang kongresman, may malalabong usapin sa panukala kaya may kahilingan na mabigyan sila ng pagkakataon para marebisa o mapag-aralan ng husto ang mga ito.

At sa tamang pagkakataon, mailalatag at maipapasok nila ang mga karampatang pagbabago.

Kung anoman ang mga iyon, hindi pa malinaw sa atin. Pero ang pagkakataong ito’y panahon din ng kampanya para makumbinse ang nakararami o lahat ng miyembro ng komite na bumoto.

May kapalit bang pakinabang sa mga kongresman na boboto ang impeachment style ni ex-Chief Justice Renato Corona?

At ang mga nagsusulong ng executive session ay bahagi na ng sistemang pera-pera ang botohan na siyang mananaig sa huli?

Anak ng tokwa, pati ba naman Saligang Batas at kapakanan ng buong bayan ay ginagawang moro-moro o kristiyano-kristiyanuhan dahil sa pera?

SINO SILA?

Dapat na ilantad nang husto ng komite ang mga nagsusulong ng executive session at ang mga miyembro ng komite na payag dito.

Ito’y para makilatis sila ng sambayanan at malaman ng mga mamamayan ang kanilang gagawin sa mga susunod na panahon, gaya ng halalang 2016.

Dapat ding malantad ang ibang mga kamay na nagtutulak para sa sikretong botohan, halimbawa, kung kamay ng Malakanyang o mga dayuhan.

Alalahanin na may halong maramihang patayan at kwestyon sa paghihiwalay o hindi sa Pilipinas ng sakop ng BBL na mga teritoryo ang pag-apruba o hindi sa BBL o mga partes nito.

REBELDE

Walang palatandaan na lumambot na ang Moro Islamic Liberation Front sa paninindigan nitong isa pa rin itong “rebelde o rebolusyonaryong grupo.”

Bakit? Nakikita ba ninyo, mga Bro, na walang hakbang ang MILF para sa pagsusuko ng armas ng nasa 10,000 fighter nito bilang pangunahing palatandaan ng pagkilala nito sa awtoridad ng pamahalaang Pilipinas?

Kahit may itinatakda ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro na dapat magsimula ang disarmament nitong nakaraang mga buwan dahil napirmahan na ang nasabing kasunduan?

At dito sa 10,000 armado pa nakasandig ang lakas ng BBL at ang Bangsamoro Transition Authority o panimulang pamahalaang Bangsamoro dahil gusto ng MILF na ang mga ito ang bubuo ng militar at pulisya sa kanilang “teritoryo.”

Para sa atin, ito ang isang kontrobersiyal na parte ng BBL na dapat pagtuunan ng pansin dahil dito nakasalalay ang kinabukasan ng mga lugar na nais sakupin at pagharian ng MILF at posibleng pagmulan ng pakikipaghiwalay nito sa teritoryo at pamahalaan ng Pilipinas.

IBANG GULO

Dahil sa pagturing ng MILF sa sarili na rebolusyonaryo kung hindi nila makukuha ang gusto nila sa BBL, kasama na ang paghahari ng kanilang armadong pwersa sa itinuturing nilang teritoryo, marami ang masasagasaan nila, lalo na ang mga hindi sumasang-ayon sa kanila.

Nakatitiyak tayo na dito na rin manggagaling ang posibleng mga grupo na lalaban, ngipin sa ngipin at mata sa mata sa MILF, at kung ganoon ay may sisiklab na malawak na giyera.

Ito ang isa sa mga dapat na alalahanin sa mga debate ng mga kongresman at senador.

Itong paghiling ng executive session ng mga kongresman para isikreto sa mata at tainga ng sambayanan ang kanilang pagboto ay palatandaan ng hindi maganda.

Palatandaan ito ng kawalan nila ng pakialam sa mga posibleng gulo o giyera sa kanilang pagkakamali basta “magkapera lang sila?”

Mga anak kayo ng mga tipaklong!

PINAL NA

Kung pakikinggan ninyo, mga Bro, ang mga pinagsasabi ng mga kongresman, matapos nilang pagbotohan ang BBL, isasampa nila agad ito sa Senado.

Normal na trabaho ‘yan dahil pinag-iisa ang gawang batas ng Senado at Kamara at pinaplantsa na lang ang mga gusot ng Bicameral Conference Committee kung tawagin, ang pangatlong Kongreso sa tingin ng iba.

Ibig-sabihin, Consuelo de bobo lang ang pagsasabi ng mga kongresman na pagbobotohan pa nila ang BBL…aaprubahan nila ito o hindi.

At nagpapauto naman tayo sa kanila na nagkakapera sa paggawa ng batas, tulad ng dati.

o0o
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Inggit Quotes and Kabit Quotes – Tagalog Patama Quotes


Love Quotes Tagalog


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Broken Heart Quotes


Re: lwIP PIC32 port - new title : CycloneTCP a new open source stack for...


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.5.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


PreSonus FireBox - handly interfaccia


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES