Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

DOBLE-INGAT SA ONLINE BUY-AND-SELL

$
0
0

NAGIGING high-tech na rin ang mga kawatan at kriminal kaya maging ang kanilang panloloko ay talamak na rin sa social media. Alam kasi ng mga demonyong ito na hangga’t marami sa atin ang masyadong ganid at tatanga-tanga ay tuloy-tuloy ang hanapbuhay nila.

Halimbawa na lang itong mga nagkalat na online selling sites, kasama na ang ilang group forum sa Facebook, na siyang pinupuntahan ng marami sa ating mga kababayan upang makapamili ng mga gadget at iba pa. Bagama’t maraming lehitimong online seller sa mga site na ito ay napakarami rin dito ang mga manloloko.

Aakitin ka nila sa mga mamahaling gadget na ibinibenta nila nang napakamura. Ang siste nga lang, kailangan mong ipadala muna ang iyong bayad sa pamamagitan ng mga cash transfer service na gaya ng LBC, Westen at Smart Money padala bago umano nila ipadala sa iyo ang kanilang produkto.

Kung ano-anong pruweba ang ipapakita sa iyo upang tiyakin na lehitimo sila at dahil  desperadong magkaroon ng mga ganitong gadget ay marami sa ating mga kababayan ang kumakagat sa mga ganitong raket. Kapag nakuha na nila ang iyong pera ay maglalaho na ang mga ito na parang bula at maging ang kanilang numero sa telepono ay hindi mo na matawagan.

Sa mga ganitong pagkakataon, simpleng-simple lang po ang mga dapat tandaan. ‘Ika nga sa Ingles eh , if it’s too good to be true, then it must not be true. Walang sinomang tanga ang magtitinda ng anomang bagay na lugi siya at hindi siya kikita.

Kapag ang bibilhin ay sobrang baba ang presyo at ang transaction ay hindi maaari ang pagkikita o tinatawag na meet-up, aba’y magduda ka na. Ang mga ganitong transaksyon ay maaari lang gawin kapag ang seller ay kilala mo na o kaya’y marami na itong magandang feedback mula sa iba.

Kapag bago lang ang account ng seller at ayaw nito ang meet-up, kalimutan mo nang makipag-deal sa kanya.

Kapag meet-up naman ang transaksyon ay tiyakin na makikipagkita lamang sa mataong lugar.

Marami na tayong nababalitaan na naho-holdup ng kanilang katagpo na online seller dahil alam nito na marami kang bitbit na salapi.

Huwag na huwag ding pumayag na ipagamit ang iyong cellphone o kahit ipahawak man lang dahil maaaring tangayin niya ito.

Bago makipaghiwalay ay tiyakin din kung tunay ang inyong nabili at hindi peke.

Tiyakin din kung ito’y gumagana at walang problema bago ibigay ang bayad.

Higit sa lahat, maging mapagmasid at kailanganang laliman ang obserbasyon sa mga taong katransaksyon sa online selling.

Kung may Facebook ay i-screenshot o kopyahin ang kanyang mga litrato bago makipagtagpo para anoman ang mangyari ay may hawak kang pagkakakilanlan sa taong kausap mo.

Hindi masama ang maging maingat dahil bagama’t napakadali na ngayon ang maghanap ng kailangan natin sa pamamagitan ng internet, kaakibat din nito ang panganib mula sa mga taong walang ibang ginagawa kung ang mag-isip ng mga paraan upang sila’y makapanlamang.

***
Para sa inyong mga sumbong tungkol sa mga mali sa lipunan at mga tiwaling lingkod-bayan, mga komento at suhestyon, mag-email lamang sa gil.bugaoisan@gmail.com. BIGWAS/GIL BUGAOISAN


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>