Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

KUMILOS NA KAYO SA SABAH KRISIS

$
0
0

benny antipordaAYON sa mga kababayan nating nakauwi na mula sa Sabah, may pinapatay nang mga sibilyang Filipino sa nasabing lugar.

Bukod dito ang pagsosona ng mga militar at pulis ng Malaysia sa mga bahay-bahay at komunidad ng mga Filipino, iligal man o hindi.

Dahil sa mga pagpatay at pagsosona, hindi na mabilang sa daliri ang nawalan ng mga hanapbuhay at pagkakataon para rito.

‘Yun bang === libo-libo na ang nakararanas ng hirap at gutom doon.

BINA-VALIDATE PA LAMANG

Masipag namang magsasagot ang mga taga-Department of Foreign Affairs at Malakanyang sa mga interbyu ng media.

Pero may nahalata tayo, mga Bro.

Hindi masigla ang tugon ng mga ito sa iyak at sumbong ng mga biktima ng kamatayan, gutom at hirap ng mga nasa Sabah na pinatutunayan ng mga nakauwi na sa mahal kong Pinas.

Ang sabi ng mga taga-DFA at Malakanyang, bina-validate pa lamang nila ang lahat.

Inaalam kung totoo o hindi at hindi imbento lamang ng mga biktima na nakabalik na sa atin.

Nagpadala na rin umano ang pamahalaan ng Note Verbale sa Malaysian government ukol sa mga nasabing ulat ng pagpatay, pang-aabuso, panghaharas, pagsosona at iba pa.

Ang Note Verbale, mga Bro, ay sulat na napakagaan ang trato sa mga isyu dahil wala itong pirma mula sa pinanggalingan nito.

Ngunit hiniling sa Note Verbale ang makataong pagtrato sa lahat ng mga Filipino sa Sabah.

‘DI TOTOO – MALAYSIA

Ngayon naman ay sumagot na ang Malaysia.

Wala umanong katotohanan ang bintang ng mga Filipino.

Walang pagpatay, walang pang-aabuso at kung ano-ano pa.

Ang tanong ngayon ay kung sino ang dapat na paniwalaan ng mga nasa Malakanyang at DFA: ang mga Pinoy na kagagaling lang doon o ang Malaysia?

INTERNATIONAL RED CROSS

Hindi dapat na magpatumpik-tumpik ang pamahalaan sa pangyayari kahit pa sinasabi ng Malaysia na hindi totoo ang mga kuwento ng mga umuwi at pinalayas nila sa Sabah.

Magandang manawagan na ang pamahalaang Pinas sa International Red Cross o sa alinmang ahensya ng United Nations na makialam sa mga nagaganap.

Para sa atin kasi, higit na kapani-paniwala ang kuwento ng ating mga kababayan na nagsusumbong na ukol sa pinaggagagawa sa kanila ng mga Malaysian.

‘Pag kumilos na ang IRC o ahensya ng UN at hindi sila papapasukin ng Malaysia sa mga conflict area, diyan na mapatutunayan ang pahayag ng mga nagsibalikan sa Pinas.

Ano-ano ngayon ang susunod na hakbang ng pamahalaan?

DSWD ACTION HINDI SAPAT

Hindi sapat na asikasuhin ng Department of Social Welfare and Development ang daan-daang evacuees mula sa Sabah bagama’t dapat na kumilos ang ahensya para sa mga ito.

Ang hinahanap natin na aksyon ng pamahalaan ay matatagpuan nito ang sarili sa Sabah at inaasikaso, at least, ang mga sibilyan na naiipit sa labanan ng puwersa ng Sultanato ng Sulu at puwersa ng Malaysia.

ANG KONSUL AT AMBASSADOR

Sa mga pahayag at ikinikilos ng DFA, lumalabas na inutil ang embahada at maging ang konsulado ng Pinas sa Malaysia.

Ang mga ambassador at konsul ba natin ay nangangapa rin?

Diyan tayo hindi masaya dahil kainutilan na yan.

O itinatago ng DFA at Malakanyang ang kanilang mga ulat ukol sa mga tunay na nagaganap sa Sabah mula sa mga mata ng mamamayan?

Para saan at para kanino ang mga itinatagong nalalaman ng mga ambassador at konsul?

Ang maganda bang relasyon ng Pilipinas at Malaysia ang higit na mahalaga kaysa ang pagbibigay-lingap ng pamahalaan sa daan-daang libong Pinoy na nakararanas ng kamatayan, harassment, gutom at hirap sa Sabah?

KASO ISAMPA NA SA UN

Kung ako si PNoy at iba pang lider ng ating bansa, pagkakataon na para isampa sa United Nation o ibang kaukulang internasyunal na ahensya ang problema sa Sabah.

Tutal napansin na ang isyu ng UN at nagiging internasyunal na ito.

Kung nagkaroon ng batayan noon sina Pangulong Ferdinand Marcos at Diosdado Macapagal sa pagbawi ng Sabah mula sa Malaysia, posibleng magagawa rin ito ngayon.

Subukin ng ating mga lider na pag-aralan ang mga ebidensya na ipinakikita ng mga Kiram, kasama na ang pagbibigay ng isang matandang Sultan ng Sulu sa gobyerno ng Pinas ng Sabah.

Tingnan din ng mga lider ang nilalaman ng Konstitusyong 1987 na nagsasabing maaaring bahagi o teritoryo ng Pinas ang Sabah.

Lingunin din nila ang isang batas na nabuo at umiral noong 1968 na nagsasabing atin ang Sabah at ito ang pinagbatayan ni Macapagal ng claim ng Pinas sa Sabah hanggang sa nagsaulian ng kandila ang dalawang bansa.

PAMBOBOMBA

Isa rin sa dapat ireklamo ng Pinas ang paggamit ng Malaysia ng sobrang lakas sa pakikidigma sa mga puwersa ng Sultanato.

Gumagamit na ito ng bomba upang mapuksa na nang lubusan ang sinomang matamaan ng bomba, kahit mga sibilyan pa.

Hindi kaya genocide yan o pagpuksa ng isang lahi o kaya’y hindi ba matinding paglabag ‘yan sa mga karapatang pantao na protektado maging ng UN?

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa 09214303333.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Lagarto para colorear


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>