KUNG anong bagal daw umusad ang ‘pagong’ ay siya rin daw bagal ang usad ng pagpoproseso sa mga nag-aaplay ng retirement sa Social Security System (SSS).
Ito ang reklamo na itineks sa atin ng kaibigan ng isang senior citizen na dumanas ng matagal na pagproseso sa pag-aplay ng retirement sa SSS.
Basahin natin ang reklamo.
Dear Mr. Johnny Magalona: Kinausap ako ng kaibigan ko na magse-senior citizen na at inirereklamo niya ang pag-aaplay sa SSS kaugnay ng retirement niya dahil 60-years old na siya.
Mula raw nang mag-aplay siya, hanggang ngayon ay wala pa rin daw siyang nake-claim na pensyon galing sa SSS. Sa January next year ay 63 years old na siya.
Almost 3 years ago na? Ganoon na ba talaga kabagal ang kalakaran sa SSS? Wala naman daw problema at inaayos na nila.
Panay lang daw pangako. (On going na po ang sagot). Ito raw lagi ang sinasabi. Noong una, ang sabi nasa evaluation tapos after 2 months ay on-going na raw.
Pero hanggang ngayo’y wala pa rin daw.
Ano ba kayong nasa SSS. Bakit? C’mon, move, move! Go..go..go.
Nakakaawa naman kaya ibinabato ko ito sa iyo ito, Mr. Mediaman. Pakipasabugan mo lang sa inyong kolum. Hanggang sa celfone lang ako, wala akong magawa kundi ipasa s’yo!
SALUDO KAMI SA IYO, COL. VILLANUEVA
Kung bumabanat man tayo ng mga bugok na pulis, ngayon ay papurihan naman natin itong mga pulis na nagtatrabaho bilang mga alagad ng batas. Gaya na lamang itong ginawang kabayanihan at katapangan ni Manila Police District PS7 Station Commander Supt. Joel Villanueva na mahinaon at mapayapang niyang napasuko ang aramadong hostage taker na si Jefferson Lazatin kamakalawa (May 12, 2015) sa Tondo, Manila.
Biruin ninyo, mahinahon at mapayapang napasuko ni Supt. Villanueva ang suspek na kargado ng inagaw na baril ng hinostage nitong sekyu.
Mabuhay ka, Col. Villanueva!
o0o
Anomang reklamo o puna ay i-text lamang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA
