Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MULING ISAAYOS ANG HARBOUR PORT TERMINAL

$
0
0

SA Pilipinas, kung ano ang desisyon ng korte ay sinusunod bilang pagtalima sa tinatawag na “rules of court.” Sa ganito, nararapat lamang na sundin at ipatupad ang desisyon ng Manila Regional Trial Court na nagsasabing ang ligal at tunay na may-ari ng Harbour Centre Port Terminal, Inc. sa Maynila ay walang iba kundi si Michael Romero.

Naging mainit sa mga balita ang Harbour Port simula noong isang taon nang mag-takeover si Reghis Romero sa HCPTI at pilit na inalis ang kanyang anak sa kumpanya. Noong 2003, nagtake-over si Michael at nagawa niya itong isa sa pinakamatagumpay na kumpanya sa Pilipinas.

Pero noong isang taon, si Reghis na ang namahala at tinanggalan ng papel si Michael. Ngunit sa huli, si Michael ang nagwagi nang magdesisyon si Judge Silvino Pampilo, Jr. ng Manila RTC Branch 26 na kilalanin si Michael bilang tunay na may-ari ng HCPTI.

Idiniin ni Pampilo na “this court recognizes the authority of the Movan’ts Board of Directors to which Michael L. Romero belongs, and their authority to act for and in behalf of HCPTI…”

Kinilala ng korte ang dalawang Deeds of Assignment ni Reghis na kumakatawan sa 689,294,652 shareholdings o 68.11 percent na kanyang ibinenta sa HCPTI mula sa kanyang RII Builders at RII Holdings. Dahil dito, wala talagang karapatan si Reghis na pamahalaan ang HCPTI dahil wala siyang ligal na kapangyarihan.

“Notably, plaintiff did not bother to refute Movant’s allegations and arguments regarding the 68.11% ownership of HCPTI in HCPTI,” paglilinaw pa ng korte…“these two Deeds of Assignment to date, remain valid and effective, as the same were not questioned, controverted, much less nullified in a court of law.”

“After a careful and painstaking evaluation of the evidence submitted by both groups (Romero and Arellano), the court hereby grants the motion and dismisses the complaint,” wika ng korte.

Nag-ugat ang kaso sa isang reklamo na inihain ng isang Alethea Arellano na nagpakilalang assistant manager for port facility maintenance umano ng HCPTI na naglalayong mabawi ang 15 kotse na nakapangalan sa HCPTI mula kay Michael at iba pa. Sinabi ng korte na walang karapatan si Arellano na maging kinatawan ng HCPTI para maghain ng kaso.

Dahil sa desisyon ng korte, ang pinakamagandang gawin ni Reghis ay kagyat niyang tigilan ang panggugulo sa kumpanya ng kanyang anak at sundin ang desisyon ng korte. Bilang ama, dapat maging masaya si Reghis sa tagumpay ng kanyang anak at isantabi ang anomang galit dahil lumabas na ang katotohanan na ang tunay at ligal na may-ari ng HCPTI ay si Michael.

At bilang ama rin, huwag mainggit si Reghis sa husay ng pamumuno at pamamahala ni Michael. Dahil sa desisyon ng korte, panahon na upang muling ikasa ang pag-aayos ng HCPTI.

***
Problema at reaksyon, itawag sa 09985650271 o mag-email sa: akosibadilla@yahoo.com. BADILLA NGAYON/NELSON BADILLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>