BUKAS na naman ang XTD at GLX KTV Bar sa Macapagal Boulevard, Pasay City sa kabila ng ilang beses na itong ni-raid ng mga operatiba ng Southern Police District (SPD) dahil sa front ito ng prostitution, bukod pa sa walang kaukulang permiso mula sa tanggapan ng alkalde.
Hindi ko lang alam kung bakit hanggang ngayon ay pinapayagan pa rin ni Pasay City Mayor Antonio Calixto na makapag-operate ang mga ktv bar na ito ganu’ng hayagan ang pagbebenta ng sex ng mga sex worker dito.
Ang matindi sa ktv bar na ito ay exclusive lang ito sa mga kostumer na dayuhang Tsino at Koreano.
Walang sinomang Filipino ang nakapapasok sa bahay-aliwan na ito dahil iniingatan nila na malaman ang garapalang ginagawa nilang pagba-barfine sa mga prostitute na nagtatrabaho rito.
Ang masakit dito, ilang oras lang ang lilipas at hindi pa nakauuwi sa kani-kanilang bahay ang mga nanghuling pulis ay nauna pang nakalalabas ang mga babae.
Aya..hay buhay, magka-no, Mr. Philip? He.. he..he.
Ang nakapagtataka lang dito, kung bakit hindi kumikilos si Pasay City chief-of-police Supt. Joel Doria?
Hindi naman paralitiko si Supt. Doria at hindi rin naman bulag para hindi niya makita ang ginagawang pambababoy sa mga kababaihan ng XTD at GLX KTV Bar sa Macapagal Boulevard.
Kung hindi kay Supt. Doria, kanino kaya ‘yung ipinangongolekta nitong alyas Onie sa mga bahay-aliwan? JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA