Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

‘ENTRY, EXIT FOR A FEE RAKET’ SA BI

$
0
0

GRAFT at ilang paglabag kaugnay ng milyon-milyong piso umanong raket na “entry for a fee, fly for a fee” ang isinampa laban kay Bureau of Immigration Commissioner Siegfred Mison at ilang opisyal.

Batay ito sa iligal na pagtanggal sa “blacklist order” ng Tsino na si Yuan Jian Chua alyas “Wilson Ong” na na-deport noong Enero 2014 sa pagiging dayuhan na walang dokumento at binawalang pumasok sa bansa.

Isang oras matapos tanggihan si Yuan na makabalik sa bansa noong Marso 11, 2015, pinapasok ito dahil sa “verbal order” mula umano kay Mison na ipinaraan sa kanyang technical assistant na si Atty. Norman Tansinco.

Hiniling ng mga empleyado ng Immigration kay Justice Secretary Leila de Lima na siyasatin ang sinasabing anomalya.

Sa naunang kolum ay tinalakay natin ang Tsino na si Wok Iek Man na pinayagang makapasok sa bansa matapos magyabang na ang kanyang pangalan ay inalis tatlong buwan matapos mailagay sa blacklist noong Enero.

Dapat may sibakin si De Lima sa puwesto sa oras na mapatunayan ang isyu, at ipakita sa lahat na wala siyang sinisino sa kawanihan.

*              *              *

Para sa libo-libong kasapi ng Lions Clubs International (LCI) sa buong bansa, ang lahat ng daan ay patungo sa Cebu City simula ngayon.

Ang pagkakaroon ng orientation seminar para sa mga lider at miyembro at eleksyon ng mga opisyal ng distrito ay ilan lang sa mga aktibidad na itatampok sa Lions Clubs’ 66th Multiple District 301 Convention na itinakda Mayo 21-24.

Karamihan ng delegado mula Metro Manila ay darating sa araw na ito sa tinaguriang “Queen City of the South” sa pamamagitan ng Philippine Airlines.

Si Cebu City Mayor Michael Rama ang panauhing pandangal sa okasyon.

Maaga nating binabati ang State Council of Governors sa pamumuno ni Council Chairperson Nestor C. Chua, si District 301-B2 Governor Frederick T. Lim at ang Lions ng Cebu, Leyte, Samar, Bohol, at Negros Oriental na magho-host ng taunang okasyong ito.

Inaasahan ko ang isang kumbensyon na produktibo at makahulugan na may layuning mapagbuti ang paghahandog ng makataong serbisyo sa ating mga komunidad.

*              *              *
SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View. FIRING LINE/ROBERT ROQUE, JR.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Lagarto para colorear


Love Quotes Tagalog


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>