Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

NAIIPIT SI SEN. GRACE

$
0
0

HINDI sa lahat ng oras o pagkakataon na ang pagiging sikat ay ikatutuwa ng isang taong popular sa mata ng bayan.

Ganyan, pakiwari natin ang nararamdaman ngayon ni Sen. Grace Poe.

Sa sobrang kasikatan kasi, siya’y pinag-aagawan ng administrasyon at oposisyon para makasama sa tiket sa darating na May 2016 election.

Ang senadora ay humahataw sa mga survey, pumapangalawa sa pagka-Pangulo at nangunguna sa pagka-Bise Presidente. Dahil mataas ang rating, umamin si Pangulong Aquino na kinausap ang anak ng yumaong si FPJ para sumama sa administration ticket.

Sa ulat, baka si Sen. Grace ang magiging standard bearer ng Liberal Party, pero umalma kaagad ang mga alipores ni Sec. Mar Roxas.

Kahit anong mangyari, gagawa ng paraan ang mga political adviser ni Sec. Mar para siya ang maging manok ng administrasyon. Kaya sa mga bata ni SILG, Mar – Grace ang kanilang niluluto, pero kay PNoy nais yata, eh, Grace – Mar.

Dahil nga sikat, ayaw patalo ang oposisyon kaya nililigawan din si Sen. Grace para maging Bise Presidente ni VP Jojo Binay.

Ang pag-aagawan ng administrasyon at oposisyon para makasama ang senadora sa kanilang tiket ay istratehiya nila para sa darating na halalan.
Naniniwala kasi ang kampo nina PNoy at Binay na magdadala ng malaking boto si Sec. Grace sa partidong sasalihan.

Pero anong partido ang kakampihan ng babaeng mamababatas – ang administrasyon ba o ang oposisyon? Mukhang ipit na ipit si Sen. Grace sa nag-uumpugang bato dahil parehong matimbang sa kanya ang administrasyon at oposisyon.

Sabi ng mga political expert, may utang na loob si Sen. Grace kay PNoy dahil sa pagkakatalaga sa kanya ng Pangulo bilang MTRCB chairwoman bago ito maging senadora. Nguni’t nagbanta rin si Manila Mayor Joseph Estrada na kilalang godfather ng oposisyon na siya’y ‘di tutulungan kapag sumanib sa administrasyon.

Tahimik man ito sa panunuyo ng administrasyon at oposisyon, mapapansin namang nagbibigay ito ng problema sa senadora. Mahirap talagang maging sikat at ramdam ito ngayon ni Sen. Grace. CHOKEPOINT/BONG PADUA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>