Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BAWI NA NG GAPO ANG SUBICWATER SHARES

$
0
0

MABABAWI na ng Lungsod ng Olongapo ang 10% share nito sa Subicwater, ang supplier ng tubig sa mga tahanan at negosyo sa Subic Bay Freeport at Lungsod ng Olongapo.

Ito Ang Totoo: binuo ang Subicwater mula sa Olongapo Water District matapos masama sa operasyon nito ang iniwanang base ng US Navy.

Bagama’t naging pribado ito, may natirang 10% share ang lungsod, na nagbibigay dito ng P18M to P20M kita o dibidendo bawat taon, at may representasyon sa Subicwater board.

Gayunman, bago mapalitan sa puwesto, ibinenta ni noo’y Mayor James “Bong” Gordon, Jr. ang naturang share ng Olongapo sa Subicwater.

Sa ginawa ni Gordon, hindi lamang kita na P18M hanggang P20M kada taon ang nawala sa Olongapo, kundi boses sa board ng mamamayan nito na bumubuo ng 70% ng kliyente ng Subicwater.

Nawalan tuloy kasi ng karapatang magka-kinatawan sa Subicwater board ang Olongapo.

Ito Ang Totoo: malamang isa ito sa mga dahilan kung bakit marami ang hindi natuwa sa administrayon ni Bong Gordon na natalo nga sa nakaraang halalan.

Mahirap talaga arukin kung bakit kailangang ibenta ni Bong Gordon ang pinagkakakitaan ng lungsod ng milyon-milyon na dapat sana’y magagamit para sa serbisyo sa mamamayan ng Olongapo tulad ng Peace & Order, Kalusugan, Infra at iba pa.

Mahirap ding arukin kung bakit inalisan ni Bong Gordon ng karapatan na magka-boses ang mamamayan ng Olongapo sa Subicwater board, bagay na mahalaga para maprotektahan ang kanilang kapakanan.

Ito Ang Totoo: ‘di na mababawi ang shares ng Olongapo kung hindi papayag ang pinagbentahan nito.

Isa pa, wala namang maipagmamalaking pera ang lungsod dahil sa utang na iniwan ni Bong Gordon, na sa kuryente pa lamang ay nasa may P5B na, wala itong pambili.

Gayunman, nakuha sa tapat na pakiusap at magandang pakikisama ng kasalukuyang Mayor Rolen Paulino na mapapayag ang Subicwater na ibenta pabalik sa Olongapo ang 10% share nito na manggagaling sa inuutang na P210M mula sa DBP. Kamakailan (Martes) ay nagkapirmahan na sa naturang transaksyon.

Ang maganda nito, 5.5% lang ang interest o tubo sa inuutang sa DBP na babayaran sa loob ng 15 taon at “diminishing balance” pa, ibig-sabihin, habang lumiliit ang utang sa kababayad, lumiliit din ang tinutubuan.

Ang mas maganda pa rito, kikita ang 10% share sa Subicwater ng dibidendong P18M hanggang P20M na halos sapat na sa pambayad sa utang kada taon. Sa madaling salita, mistulang walang bibitiwang pera ang pamahalaang Olongapo pero nabawi nito ang share nito sa Subicwater.

Ito ang Totoo: ang pinakamaganda nito, magkakaroon na muli ng representasyon o boses sa Subicwater board ang mamamayang Olongapo.

Sinikap nating kunan ng komento o pahayag si ex-mayor Bong Gordon pero hindi nito sinagot ang message natin sa kanya.

Gayunman, malinaw na maganda ang ginawa ni Mayor Paulino na pagbawi ng Subicwater shares para sa mamamayan ng Olongapo at dapat pa ring ipaliwanag ni Bong Gordon kung bakit ibinenta niya ito noong kanyang panahon. Ito ang Totoo! ITO ANG TOTOO/VIC VIZCOCHO, JR.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>