Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BAKIT ‘DI MAHULI ANG MAGNANAKAW NG RILES?

$
0
0

MAMAMATAY ang marami sa ginagawang pagnanakaw ng mga riles ng tren ng hindi pa rin mahuling mga walang pakundangan.

Ito Ang Totoo: muli na namang tatakbo ang serbisyo ng tren na tinatayang may 100,000 araw-araw na pasahero sa Metro-Manila at karatig-lugar pa lamang.

Ipinagyayabang ng PNR na tukoy na nila ang dahilan kung bakit nadiskaril ang isang biyahe nito sa Magallanes, Makati city noong Abril 29 kung saan may 50 ang nasaktan.

Ito Ang Totoo: hangga’t walang nahuhuli at walang napapatawan ng mabigat na parusa, nanakawin at nanakawin na naman ang mga riles at hindi lang 50 katao ang masasaktan. Baka sa susunod, may mangangamatay na, kung ilan, Diyos lang ang nakaaalam.

Makatutulog pa kaya kayo ng mahimbing, PNR General Manager Engr. Joseph Allan Dilay?

Kayo kaya Makati Mayor Junjun Binay, nanghihinayang po ba kayo sa maaaring boto ng mga hinayupak na magnanakaw o hindi katalo dahil alam niyo na?

Ang PNP, NBI, CIDG at barangay tanod, talaga po bang inutil lahat para malusutan ng mga magnanakaw ng riles ng tren?

Ito Ang Totoo: ayon sa bunso nating mag-aanim na taong gulang, ninanakaw ang riles para ibenta, eh, ‘di pwede ring malaman kung sino ang nagbenta at pati ang pinagbentahan, hindi po ba?

Sa laki nga naman ng mga bakal, imposible na walang makakita nang kinuha, ibiniyahe at ibinenta at kung ano-anong salin pa, kung meron man.

Hindi birong krimen ang pagnanakaw ng riles ng tren dahil siguradong marami ang masasaktan o mamamatay kapag ang tren ay nadiskaril.

Pinakamadaling biyahe ang tren na dapat sana’y pinaunlad ng pamahalaan at hindi unti-unting pinapatay para mamayagpag ang mga negosyong bus ng mga Kongresista, Heneral, Mayor, Governor at iba pa.

Kung seryoso si Pinoy sa “Tuwid na Daan,” dapat sana bago matapos ang unang “term” niya ay maasikaso na ang serbisyo ng tren para sa buong bansa para kung sakali mang may “second term” pa siya, may magandang ala-ala ang mamamayan saanman siya madala, sa Veterans, Camp Crame o sariling “house” kaya? Ito Ang Totoo! ITO ANG TOTOO/VIC VIZCOCHO, JR.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>