Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

DND, BAYAN O BAYAD?

$
0
0

NAKALOLOKA ang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee kamakailan tungkol sa maanomalyang pagbili ng Department of National Defense (DND) ng sana’y mga modernong attack helicopter.

Sa pinakahuli na SONA ni Pangulong Benigno Aquino III (BSA3) noong Hulyo 2014, mismong sa bibig niya nanggaling “na sa darating na Setyembre, ide-deliver na ang 21 na bagong attack helicopters na – UH -1H – para sa ating Sandatahang Lakas (AFP) bilang bahagi ng aking programa na modernisasyon…”

Sentido kumon, hindi man literal na bago ang bibilhin ni BSA3, segunda mano pero mukhang bago at kasingtikas dapat ng bago – moderno nga.

Pero ngayon, papatapos na ang 2015, wala pa tayong nakikitang lumilipad na attack helicopters. ‘Yung dalawa na sinabing naunang nadeliber ay nasa Zamboanga raw pero nang magkasalpukan ang pwersa ng PNP SAF vs. MILF-BIFF-PAGs, hindi nakalipad ang sinasabing moderno na attack helicopters. Bakit?

Para sa inyo sa DND, hindi ba ninyo narinig si big boss? UH-1H daw. Bakit ninyo tinanggap ang UH-1D? Hindi ba panloloko iyan? Alam din naman ninyo na sarado na ang Dornier of Germany na gumawa ng “mukhang American Huey helicopter na iyan.” Ibig-sabihin, kapag nasiraan ng piyesa ang UH 1D, wala na kayong mabibili!

Sa imbestigasyon ay halata ang mabalasik na reaksyon ng DND kontra sa whistleblower na si RHODORA ALVAREZ, aka “Dory” o “Joey.” Halos hindi siya pinagsalita ng mga taga-DND na hinayaan naman ng mga Senate investigator.

Ibig-sabihin, lutong makaw kung hindi man malapulburon ang nangyaring imbestigasyon.

Idiniriin ni DND Usec Fernando Manalo sa Senado na kaya lang daw pumiyok si Alvarez ay dahil hindi raw ibinigay ng kontratistang RICE & EAGLE ang hinihingi nitong komisyon o “kotong” na aabot daw ng P15-milyon?

Hindi pa nasiyahan, halos nagwawala siya sa programa nina Gerry Baja at Anthony Taberna, DOS POR DOS, para idiin ang tangka raw na pangongotong ni Dory-Joey kaya tumuga ang ale. ‘Yun bay ‘yun, Usec. Sobrang Manalo?

Sa totoo lang ay nakausap natin ng ilang ulit si Alvarez sa kanyang hindi masikmura na maanomalyang transaksyon ng DND sa Rice & Eagle. Maliban sa tapon pera dahil hindi talaga mapakikinabangan ang UH-1D ay nag-alala si Alvarez na baka mamatay lang ang mga piloto at pasahero nito kung pilit itong paliparin.

PARA SA BAYAN, mga ginoo sa DND, ang isyu. Huwag ninyong personalin ang KORAPSYON sa DND. Hindi lingid sa buong Sandatahang Lakas ang malawakan na KORAPSYON ngayon sa inyong tanggapan. Katulad sa donasyong tangke ng Amerika na nawawala kasama ang pera para sa bayad-barko, etc.

Huwag ninyong laspagin ang inyong PERA SA INYONG MEDIA ATTACK para lang sirain ang kredibilidad ng whistleblower. Manapa, unahin ninyo ang TUNAY NA SERBISYO, MALINIS, WALANG DAYA AT KORAPSYON!

DND, ano ba kayo?

Para ba kayo sa BAYAN o BAYAD lang?

***

Bukas po ang Lily’s Files para  sa inyong mga reklamo, suggestions at kumento,  mag text lang po sa 0935-3110472  at  0921-9787042. LILY’S FILES/LILY REYES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>