Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

TAKOT NA TAKOT ANG LP KAY BINAY

$
0
0

AKO’Y kontra sa katiwalian, korapsyon, at pandarambong sa pamahalaan. Kaya, tuwang-tuwa ako kapag gumagana ang mga organo (Kongreso, Office of the Ombudsman, Sandiganbayan, Court of Appeals at Korte Suprema) ng pamahalaan laban sa mga pinaniniwalaang magnanakaw at mandarambong na mga opisyal at kawani ng pamahalaan.

Tuwang-tuwa rin ako kung ‘malalaking isda’ ang nabibisto at natutukoy na mga magnanakaw at mandarambong.

Hindi ko lang gusto ang kaso ni Bise-Presidente Jejomar Binay dahil sobra-sobra na ang haba ng panahon ng imbestigasyon ng sub-committee ng blue Ribbon Committee ng Senado.

Nagmimistulang oportunidad na sa mga ‘senador na ‘di patok sa publiko’ para pumatok sa publiko sa pamamagitan ng media.

At ang higit na hindi maganda ay nagtutulungan na ang Liberal Party (LP) at iba’t ibang organo ng pamahalaan sa pagkuyog kay Binay at sa pamilya niya upang madiin nang husto sa kasong corruption hanggang plunder.

Halatang-halata na aktibong-aktibo ang LP at ilang organo ng pamahalaan tulad ng Senado, Office of the Ombudsman at Korte Suprema laban kay Binay.

Ganito ang tindig ko, kung talagang mayroon kayong ebidensya na kung kasingdami ng ilang trak ay mas maige, e, ‘di isampa n’yo na sa Office of the Ombudsman upang tumakbo ang kaso.

Hindi kasi uusad at hindi malilitis si Binay at mga anak niya kung panay imbestigasyon lamang ang gagawin sa Senado.

Hindi iyong kukuyugin sa media ng LP, ilang senador kasama na ngayon si Senate President Franklin Drilon at ilang ahensiya ng pamahalaan.

Takot na takot ba ang LP kay Binay?! Palagay ko ay takot na takot ang LP, sapagkat ang matagal nang napababalitang pambato ng nasabing partido sa pagka-Pangulo sa eleksyong 2016 na si Manuel “Mar” Roxas II ay ‘regular’ na bagsak sa mga sarbey.

Ilang sarbey na ang isinasagawa ng SWS at Pulse Asia, pero kahit isang beses ay hindi man lamang dumikit sa iskor ni Binay. Napakalaki na ang ibinaba ng iskor ni Binay, pero hindi pa rin tumaas ang puntos ni Roxas.

Bakit kaya Bong Mangahas at Nanie Braganza?!

***
Problema at reaksyon n’yo, itawag sa: 09985650271, o mag-email sa: akosibadilla@yahoo.com. BADILLA NGAYON/NELSON BADILLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>