Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MANGONGOTONG NA MGA SEKYU SA PPA-BATANGAS

$
0
0

UY nagkalat ang mga kotongero at abusadong sekyu sa Batangas City Philippine Port Authority (PPA) kaya ang bantot tuloy ng imahe ng naturang government agency.

Ang dahilan ng lahat ng ito ay ang pinaglalagay ng Port Manager na mga mangongotong, abusado at walang kakayahang security guards (blue/white guards) na hindi naman organic employees.

Ang nakapagtataka rito ay kung bakit ‘yaong mga sekyu ang inilagay nang hindi inisip ng Port manager. ‘Yun ngang mga lehitimong PPA Police o miyembro ng PNP ay kalimitang nasasangkot sa mga katiwalian, ‘yun pa kayang mga sekyu ang hindi matukso na gumawa ng pagkakaperahan.
(Kining..ngining..ngining)

Gaya na lamang ng security guards na pinamumunuan ni Sombilla na nakaposte sa likod ng PPA main office na laging suki ng reklamo ng mga driver ng cargo container trucks. Kapag hindi raw inaabutan ng pera ang mga tunggak na ito’y kung ano-anong mga dokumento o papeles ang hinahanap sa mga driver para nga naman ma-delay ng mga mangongotong na sekyu na ito ang pagpasok o paglabas ng mga kargamento sa loob ng pier, (lagay muna  bago pasok at labas. He..he..he.)

E ubod pang kayayabang ang mga tinamaan ng lintik na sekyung ito dahil hindi nila agad pagbubuksan ng gate ang mga driver para magipit at mapilitan na  maghatag ng pera sa mga korap na mga sekyu (God damn it).

Hindi lang truckers ang pinagsasamantalahan ng mga ito kundi maging ‘yung mga negosyanteng nakikipagtransaksyon sa pier ay ginagatasan din ng mga tarantadong sekyu!

Paging PPA Admin Atty. Leopoldo Biscocho, ala e, ‘’yung mga sekyu mo ay sobrang mangotong, bakit may quota ba sila sa iyo? (Picture ako. He..he..he..he)

VK SA SAN JOSE, NAGLIPANA

Balikan natin itong mga nakakalat na video-karera (vk) ni Kap. Lily Ann sa San Jose del Monte, Bulacan.

Walang katinag-tinag dahil sa walang ipinangangalandakan si kap kundi siya ay tserman. Ganun ba???

***
Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>