Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

TSINO KUMASA SA KANO; PINOY PAANO NA?

$
0
0

HABANG umuusok ang giyera patani ng mga politiko sa mahal kong Pinas kaugnay ng halalang 2016, umuusok naman ang patutsada para sa posibleng giyera sa Spratlys sa pagitan ng mga Kano at Tsinoy.

Saanman tingnan, agawan sa kapangyarihan ng mga politiko ang nagaganap sa giyera patani at hindi tunay na paglilingkod sa bayan.

At kaninong interes naman ang namamayani sa patutsadahan sa pagitan ng mga Tsino at Kano?

$5-TRILYONG NEGOSYO

Unahin nating silipin ang kahalagahan ng Spratlys na kinabibilangan ng mga islang nasa loob ng 200 milyang exclusive economic zone ng mahal kong Pinas at may layong 1,600 milya mula sa pinakamalapit na pampang ng bansang Tsina.

Nasa limang trilyong dolyar ang negosyo na dumadaloy sa karagatan sa West Philippine Sea sa pamamagitan lalo na ng mga barko at mayroon din para sa eroplano.

Binubuo ang mga negosyo ng langis, makinarya, electronics, bakal, semento, bigas at iba pang pagkain, gamot, barko at eroplano mismo, gamit pandigma at marami pang iba.

Sa Spratlys dumaraan ang lahat ng ito para makarating at makalabas sa lahat ng mga bansa sa Asia, kasama na ang Australia at New Zealand hanggang sa mismong Tsina at Japan.

Dito rin dumaraan ang mga negosyong nabanggit ng mga Kano at Europeo para sa Asia at palabas patungo sa mga ito.

Iba pa ang napakalaging deposito ng langis, natural gas at iba pang mineral at yamang-dagat na matatagpuan sa Spratlys.

Ito ang mga interes at pinag-iinteresan sa lugar na ito at kabilang tayo sa mga may malaking interes.

TUNAY NA GIYERA

Ayon sa Global Times na isang tabloid na pag-aari ng gobyernong Tsina, kinakailangan na umanong maghanda ang Tsina para sa posibleng giyera laban sa mga Kano para protektahan nito ang “teritoryo” at mga interes nito sa negosyo.

Reaksyon ito sa hindi pagsunod ng mga Kano na sakay ng isang spy plane sa kautusan ng Chinese navy na umalis at lumayo sa Spratlys na ginagawang base militar at paglalagyan ng mga mamamayang Tsino.

Reaksyon din ito sa balak na pagpapapasok at paglalayag ng mga barko ng US navy  sa loob mismo ng 12 milyang “teritoryong pangkaragatan” umano ng Tsina sa Spratlys at pagpapalipad ng US air force mismo sa ibabaw ng nasabing lugar.

Sa ngayon ay puno na, hindi lang ng mga barkong coast guard kundi barkong pandigma, ang mga nire-reclaim na isla sa lugar at kulang na lang na patirhan ito ng mga ordinaryong mamamayang Tsino na regular na mamuhay rito.

‘DI KARANIWAN NAKATATAKOT

Sabi pa ng Global Times, ang giyera ay lilikha ng mga hindi karaniwang pangyayari.

‘Yun bang === malawak at malalim na posibleng sugat hindi lang sa pagitan ng mga Kano at Tsino kundi ng iba pang mga bansa.

Naiisip natin na parehong may nukleyar na armas ang mga Kano at Tsina at paano kung gagamitin ang mga ito?

Naiisip din natin na parehong may malalaking negosyo ng mga Kano at Tsina sa loob ng Tsina at Amerika mismo at paano kung magkumpiskahan ang mga ito ng mga negosyo bago o sa kasagsagan ng giyera?

Para naman sa Pinas, paano kung atakihin ng mga Tsino ang mga base militar at armas pandigma ng mga Kano na nasa loob at karagatan ng Pilipinas?

Paano kung may mag-ala-Vietnamese sa mahal kong Pinas na nagpalayas sa lahat ng mga Tsino sa Vietnam kamakailan lang dahil sa alitan o agawan ng teritoryo ng Tsina at Vietnam sa isang bahagi ng Spratlys na malapit sa Vietnam?

Hindi nga pangkaraniwan ang ibubunga ng giyera sa pagitan ng mga Tsino at Kano.

Bukod sa hindi pangkaraniwan, nakatatakot ang sitwasyon, mga Bro.

Dalangin nating hindi sana magaganap ang lahat ng ito at sana, kahit isang buhay ay walang matutusta o basta na lang maglalaho.

GIYERA PATANI, ARMAS BULOK

Habang nakababahal ang West Philippine Sea, nakasusuka naman, sa totoo lang, ang giyera patani ng mga politiko.

Kung susubaybayan ang mga salita at kilos ng mga ito, bibihira ang nagsasalita ukol sa problema sa Spratlys.

Mabuti pa ang Supreme Court sa katauhan ni Associate Justice Antonio Carpio at ilang party-list sa Kamara at naglalabas ng mga boses ukol dito.

Pero ang mga senador at taga-Malakanyang, walang tiyak na salita ang mga ito.

Itong mga senador, nalululong sa pulitika sa 2016 at itong mga nasa Malakanyang, pinababayaan ang mga iskam sa pagbili ng mga bulok na helicopter at barkong pandigma at nalululong din sa Bangsamoro Basic Law na pagmumulan ng panalo nila sa halalang 2016.

Kung may ginagawa man ang Palasyo, anak ng tokwa, walang iba kundi ang itulak ang mga Kano sa giyera at gawing base militar ng mga ito ang anomang lugar sa Pinas na magiging magnet sa atake ng mga Tsino.

Palibhasa, puro bulok ang ating mga armas.

o0o
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Lagarto para colorear


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>