Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

GIYERA PATANI SA PULITIKA AT GIYERANG NPA AT SABAH

$
0
0

benny antipordaMARAMING giyera ang kinahaharap ng mahal kong Pinas sa kasalukuyan.

Isa ang giyera na inilunsad ng mga Filipinong royal army ng Sultanato ng Sulu sa Sabah upang mabawi ang nasabing teritoryo ng Pinas mula sa Malaysia.

Iba naman ang giyera ng mga puwersa ng pamahalaan laban sa New People’s Army.

At huwag kalilimutan, may giyera rin sa pulitika kaugnay ng halalang Mayo 2013.

SULTANATO NG SULU

May binuong demanda ang gobyerno laban kay Sulu Sultan Jamalul Kiram III na may tao sa royal army na nakikipagbakbakan sa Sabah ngayon.

Dahil sa kanyang pagpapadala ng mga armadong puwersa sa Sabah na sanhi ng kaguluhan at nagiging posibleng mitsa ng giyera sa pagitan ng Pinas at Malaysia, nais ngayong imbestigahan ng National Bureau of Investigation si Kiram.

Maaaring matuloy ang pagsasampa ng demanda laban kay Kiram at iba pa kung sakaling mapatunayang lumabag ito sa batas ng ating bansa na nagbabawal ng sinomang tao na gumawa ng anomang aksyon na simula ng giyera.

NAKAPUPUWING, NAKABUBULAG

Pero hanggang saan aabot ang giyerang ito?

Maliit man ang pagtingin ng mga kinauukulan sa grupong Kiram, baka naman pupuwedeng isipin nila ang kasabihang hindi lang nakapupuwing ang maliit kundi nakabubulag din.

Kapag napuwing at nabulag ang pamahalaan, magagaya siya sa isang taong naglalakad sa gilid ng bangin na maaaring doon siya mahulog, masaktan at kung ano-ano pa.

Anong malay natin na may makaisip na guluhin hindi lang ang ilang bahagi ng Mindanao kundi ang iba pang bahagi ng Pinas gaya ng Metro Manila dahil sa kontrobersyang ito?

MAPAYAPANG PARAAN

Kinakabahan man tayo sa hahantungan ng pagdiriin sa mga Kiram, gumagaan ang ating loob sa pagsaksi natin sa maraming Muslim at Kristiyano na daanin sa paupo ang problema kaysa sa patayo.

At ating hinihiling sa mismong ating pamahalaan na bigyan ng higit na pansin ang nagaganap sa Sabah mismo dahil sa kamatayan ng mga kagawad ng royal army at libo-libo nang hinaharas doon sa ngayon.

Libo na nga rin ang napilitang lumikas mula sa mga magugulo at binobomba ng Malaysia na lugar sa Sabah.

Libo na rin ang napilitang umuwi sa Pilipinas at nagla-landing sila sa Sulu, Tawi-Tawi, Basilan at iba pang lugar sa Mindanao.

GIYERANG NPA

Bahagi na ng kilusang New Peoples Army ang paglulunsad ng mga pag-atakeng militar laban sa mga puwersa ng pamahalaan at iba pang pinaniniwalaan nilang mga kakampi o kaalyado ng mga ito laban sa kanila.

Kahit anong oras ay ginagawa nila ang pag-atake.

MARSO 29

Ngunit espesyal ang pag-atake nila tuwing dumarating ang founding anniversary nila na Marso 29.

Ginagawa nila ito bilang bahagi ng pagnanais nilang mabago ang sistema ng ating lipunan para umayon sa kanilang pinaniniwalaang sistema.

Ang isang pupuwedeng intindihin ng pamahalaan dito ay kung bakit hindi nito madurog-durog ang kilusan.

Hindi natutuyuan ang NPA ng dagat na languyan at ikinabubuhay nito mula sa milyon-milyon ding mga tagasuporta nito.

May dapat ngang gawin ang pamahalaan bukod sa ipinagmamalaki nitong “tuwid na daan.”

May mas malalalim na problema na dapat nang harapin at bigyan ng solusyon ng pamahalaan upang gawin ng mga NPA ang kanilang armas na “araro” at “karit” para sa kapakinabangan ng buong mamamayan.

GIYERA PATANI

Dalawang larangan ang lumilitaw na pinaglalabanan ng mga politiko na sangkot sa halalang 2013.

Isa ang kampanya ayon sa batas nina Mang Sixto Brillantes.

Isa ang unahan sa survey.

Hindi magkandaugaga ang kamay ni Mang Sixto sa katuturo sa mga politikong lumalabag sa batas sa halalan.

May mga nagbo-vote buying sa iba’t ibang paraan.

May naglaladlad ng mga oversize na tarpaulin.

SIRAAN

Pero pinakamatindi ang siraan sa isa’t isa.

Sa mga salita ng nasa isang panig, kampon ng mga korap ang kabilang grupo.

Buwelta naman ng kabila, kampon ng mga may liko-likong daan at pabaya kay Juan ang mga nagmamalinis.

Kung sino-sino at kung ano-anong team ang gusto ng mamamayan na susunod na mga lider sa Senado, Kamara at lokal na mga pamahalaan, eh, malalaman pagkatapos ng botohan.

UNAHAN SA SURVEY

‘Yung iba, nagpapakamatay sa pagsubaybay sa kung sino-sino sa kanila ang nakalalamang sa mga survey.

Kanya-kanya ang mga bintang dito, lalo na ang pagsasabing may “pera” sa mga survey.

Bahala na kayo, mga Bro, kung ano ang ibig sabihin nito.

Hehehe.

Paglabas ng mga survey, may mga maniobrahan.

May mga nagku-krus ng  mga landas sa mga kandidato at sa mga pangyayaring ito, nariyan ang mga traydoran.

Anong team-team diyan?

Lahat ay lumalaro sa Team Patay, Team Buhay, Team Damaso at kung ano-ano pang team na naiisip na itatag ng mga politiko.

Sa ibang salita, nagkakaroon ng mga dagdag-bawas  sa mga team at may kanya-kanyang sikreto na pag-uusap ng mga magkakalaban para lang sila manalo kahit pa taliwas sa survey ang kanilang kinalalagyan.

Hehehe!

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa  09214303333.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>