MUKHANG hindi pa talaga nakapag move-on si Sen. Koko Pimentel sa isyu ng dayaan na naganap noon kung saan apat na taon siyang hindi nakaupo sa Senado.
Ang itinuturo na nakinabang umano sa pandaraya nina dating Pangulong GMA ay si Sen. Migz Zubiri na kaagad namang nagresign nang lumutang na ang mga saksi sa nasabing dayaan!
Kahit anong pakikipag-ayos ni Migz at ng ilang tao na malalapit sa dalawa ay hindi talaga pumayag si Koko na makasama si Migz.
Maging sa mga campaign ads ngayon ni Koko ay talagang ipinagdiriinan nito ang naganap na dayaan.
Na kung ating uunawain ay walang tigil na pasaring kahit nananahimik na si Migz Zubiri!
Katunayan, mas tahimik pa nga si Sen. Koko kung napag-uusapan ang isyu ng paghihiwalay niya at ng kanyang asawang beauty queen.
Sabagay, wala tayong magagawa, parekoy, kung higit na masakit kay Koko ang madaya siya sa eleksyon kesa hiwalayan siya ng kanyang asawa!
Sige po, Sen. Koko, ituloy natin ang laban kontra daya!
Sa kabilang banda, tuloy-tuloy naman si Migz Zubiri sa pangangampanya para ipaalam sa mga tao ang layunin sa Senado kung sakaling mailuklok.
At mas maraming lugar sa Pinas ang naiikutan ng mga pangarap ni Migz para sa taumbayan dahil katuwang nito sa pangangampanya ang kanyang asawa.
Sa ngayon, isang bagay naman ang idiniriin ni Migz, na tinatangkilik din niya ang kahalagahan ng pamilya o ang pagsasama ng mag-asawa.
Toingk! Sapul si Koko!
Hak, hak, hak!
Sandali, parekoy, sakaling manalo ang dalawang ito ay para ko nang nakikinita ang magaganap na debate sa Senado sa isyu ng “divorce.”
Kung pagbabasehan ang mga pahayag ngayon ni Migz na pagpapahalaga sa sakramento ng kasal, lumalabas na kokontrahin nito ang divorce!
Sa panig naman ni Koko, lalo na kung ang problema ng mag-asawa ay may namamagitan na pandaraya o panloloko, tiyak na hindi ito makalilimutan o mapalalagpas ni Koko ng gan’un na lamang.
Bahala na . . . mangyari na ang mangyari, basta ihiwalay dapat ang puti sa de-kulay!
Hak, hak, hak!
Tiyak na lagot si Koko sa mga panatiko ng simbahan na kumokontra sa divorce!