Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

TOBATS SA CABANATUAN CITY PARANG KENDING NILALAKO

$
0
0

DROGA. Ito ang number one na sumisira sa ating pamayanan at droga rin ang problema ng karamihan sa ating mga mamamayan.

Bigyan natin ng daan na mailathala sa espasyong ito ang isang text message ng isa sa mga masusugid na mambabasa ng Remate.

Sir Johnny, good day. Ako ‘yung kausap n’yo last night. Isa ako sa mga masusugid na tagabasa sa inyong column.

Sana sa pamamagitan ng inyong column ay magising ko at maipaalam sa aming mayor na si Mayor Jay Vergara ng Cabanatuan City, Nueva Ecija at ang chief of police na si Joselito Villaroza, maging ang aming barangay kapitan na si Prodencio Garcia, ukol sa talamak na bentahan ng shabu sa aming lugar sa Brgy. Daan Sarile.

Marami nang kabataan at katandaan ang nalululong  sa shabu sa aming lugar dahil parang kendi na lang ito na inilalako sa aming lugar.

Walang takot na nagbebenta ang mga taong sina alyas Redo, Omay, Egay Pilay at ang taga-deliber ng shabu na isang Eugene V.

Matagal nang ganito ang sistema sa aming barangay, Sir Johnny, pero ala namang ginagawang aksyon ang  aming kapitan at ang mga pulis na nakatalaga sa Compac.

Nagbubulag-bulagan at nagbibingi-bingihan sila sa mga ganitong sistema.

Kaya sana, Sir, sa pamamagitan n’yo ay madinig nina mayor, cop at kapitan ang aming daing.

Sana ‘wag matulad sa ibang opisyal na dahil sa pera ay natakpan ang sigaw ng mga katulad kong concerned citizen.

BOOKIES SA PAKIL LAGUNA, PADER PA RIN

Sige at arya pa rin ang operasyon ng bookies ng STL ni Caloy kahit sa katuktukan ng bulubundukin ng Pakil, Laguna.

Palibhasa ‘yung lokal pulis at si Mayor Vipops Martinez lang ang binibigyan nito ng timbre.

E, paano naman sina Gov. Ramir Hernandez at PDSupt. Florendo Saligao, ang lagay, e, He..he.

o0o
Anomang reklamo o puna ay i-text lamang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Best Papa jack Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Long distances monthsary message tagalog


Best Inspirational Love Quotes Collection



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>