Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MGA ‘ASO’ NI MAYOR ANG MGA OPERATOR NG VK SA BALAYAN

$
0
0

ANO ba ito, ang akala ko nang tumigil itong tinaguriang “Hari ng VK” na si Alex Vidal sa pag-ooperate ng sandamukal na video-karera (vk) sa Balayan, Batangas ay katapusan na ng paghahari ng iba’t ibang salot na bisyo sa nasabing bayan.

Ang siste pala, huminto lang nang panandalian itong si Alex Vidal para makipag-tie-up o makipagsosyo sa mga bata ni Balayan Mayor Manny Fronda.

Ang matindi rito ay dalawang pulis na pawang bata raw ni mayor na sina Jinggo Noche at Jong Flores ang sangkot.

Bukod pa rito, kasosyo rin ni Alex V. itong super-alalay ni mayor na si Royette Villapondo.

Simula nang nagsamasama sa iligal na negosyo na ito ang mga magbi-video ay halos buong barangay o sitio na sa Balayan ang nalatagan nila ng kanilang mga makina.

Ang masakit dito, hindi ko lang alam kung gaano katotoo na sa bawat puwesto raw ng mga vk ng mga ito’y malakasan ang bentahan ng ‘to-bats’ kaya hanggang magdamagan ang mga nagbi-vk dito.

O baka naman pati ‘yung drug pusher ay kasosyo na rin ng mga ito?

BOOKIES NI KAP. NOEL SA SAN JOSE, BATANGAS

Dito naman sa San Jose, Batangas, ang kinikilalang operator ng bookies ng STL ay itong si Kap. Noel V.

Hindi natitinag ang bookies ni Kap. Noel dahil ang asawa niya ang barangay kapitana ngayon sa San Jose at kapatid naman niya na si SPO2 Virtucio ay pulis naman ng San Jose.

Kaya sino pa ang magtatangkang manghuli sa bookies niya, e, protektado siya ng kanyang angkan?

Mantakin n’yo, napakatagal ng nagpapa-bookies ng STL itong si Kap. Noel sa San Jose, Batangas at ni minsan ay hindi napatigil ito.

Aba, malakas, hindi lang malakas super bagyo pa!

o0o
Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Inggit Quotes and Kabit Quotes – Tagalog Patama Quotes


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


PreSonus FireBox - handly interfaz de


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


5 Tagalog Relationship Rules


Re: lwIP PIC32 port - new title : CycloneTCP a new open source stack for...


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.5.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>