Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MEETING NG MGA GAMBLING LORD AT TONG-COLLECTOR

$
0
0

NGAYON, mga pare ko, ating ilantad ang mga tong-collector sa vices sa National Capital Region (NCR) na kumita lang ng limpak-limpak na salapi kahit sa iligal na pamamaraan ay pinapasok ng mga ito, gamit ang ilang mga matataas na opisyal ng Philippine National Police.

Katunayan, ang balita natin ay nagpa-meeting ang mga tong-collector na ito sa lahat ng mga gambling lord at gamit ang tanggapan ng Philippine National Police at ang National Capital Regional Police Office.

Hindi ko lang alam kung may ‘basbas’ ito nina PNP chief Gen. Leo Espina at NCRPO chief Gen. Mel Valmoria!

Magkagayunman, ang mga nagpa-meeting ay pinangunahan nina alyas Allan Aspalto at Arbie Nakwenta sa Southern District of Police area (SPD), Jerry Sulsol at SPO4 Presnedi alyas Pacnoy sa area naman ng Manila Police District (MPD), Isagani Sapatilya at Arnel Rocky naman sa area ng Eastern Police District (EPD), William Kabayo at George Magubat sa area naman ng Quezon City Police District (QCPD) at Boy at Cris naman sa Northern Police District.

Ang balita ko, hindi ko lang alam kung gaano katotoo ito, ang pinag-usapan umano sa meeting ay tungkol sa kung magkano ang ibibigay na lingguhang timbre ng mga GL.

Ang tanong ay nagpapakolekta nga ba sina Gen. Espina at Gen. Valmoria?

DAPAT SIBAKIN ANG HEPE NG SAN JOSE

Wala pa ring tigil ang operasyon ng bookies ng STL ng dating barangay kapitan na si Kap. Noel V. sa San Jose ng lalawigan ng Batangas.

Bakit hindi i-relieve ni R-4A RD Gen. Richard Albano kung sinoman ang hepe sa bayang ito.

Aba’y napakaliit na bayan ang San Jose para hindi makita ang pasugalan ni Kap ng kung sinomang hepe rito.

Bakit? Hindi kaya tongpats si hepe? Just asking!

o0o
Anomang reklamo o puna ay i-text lamang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Top Tagalog Love Quotes Online Collections


Mga Patama Quotes and Banat Tagalog Love Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Lagarto para colorear


Love Quotes Tagalog


Two timer Sad tagalog Love quotes


Tagalog Love Quotes 2014 – Best Online Collections


Tagalog God Quotes to inspire you


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>