NANAWAGAN ang grupong na nagsusulong ng good governance sa Senado para imbestigahan ang umano’y kasunduan sa pagitan ng state-owned na kumpanyang telebisyon na IBC-13 at RII Builders, Inc.-Prime-state Ventures, Inc. sa development ng dating Broadcast City property sa Quezon City.
Sa naging pahayag ni Joe Villanueva ng Philippine Cruzader for Justice (PCJ), nais nilang magkaroon ng public hearing para alamin ang mga pinakahuling kaganapan sa kasunduang pinirmahan ng dalawa noon pang Marso 24, 2010.
Kinumpirma kasi ni Villanueva na natuklasan ng Commission on Audit na ang kasunduan o agreement sa pagitan ng IBC-13 at RII Builders, Inc.-Primestate Ventures, Inc. ay hindi mabuti para sa gobyerno kaya dapat itong masilip.
Ang kasunduan ay pinasok ng IBC-13 at ng RII Builders para i-develop o paunlarin ang 34,401 metro kwadrado ng 41,401 metro kwadradong IB-C-13 property sa Broadcast City, Capitol Hills, Diliman, QC at gawing residential complex at ang nalalabing 5,000 metro kwadrado ay para naman sa konstruksyon ng dalawang gusali ng IBC-13.
Nabatid pa nakasaad din sa kasunduan na magtatayo ng condominium buildings at kikita umano ito mula sa mapagbebentahang unit.
Nauna nang kinontra ni Senate President Frank Drilon ang kasunduang ito at tinawag pa ng beteranong senador na “midnignt deal” ang kontrata dahil nabigo umano ang joint venture na makakuha ng mandatory review ng Privatization Council alinsunod sa isang Executive Order.
Sinabi pa ni Drilon na dati, ang 3.64 ektarya ng lote sa ilalim ng kaunduan ay nagkakahalaga lamang ng P9,999.9 kada metro kwadrado o P364M ang halaga gayong nasa prime location ang lote.
Napag-alaman ding ang IBC-13 ay tatanggap ng Guaranteed Share in Revenues na P728M pero P150M cash na babayaran sa loob ng anim na beses.
Ang nasabing kasunduan, ayon kay Drilon ay hindi patas para sa gobyerno dahil P278M lamang ang mapupunta sa ating pamahalaan.
Sa tingin natin, dapat ngang magsagawa ang pamahalaan ng imbestigasyon dito upang mabawi ang pamahalaan at mapanagot ang dapat na managot sa iskam na ito.
***
Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA