HIRAP magdesisyon ang ating Pangulong Noynoy Aquino. Si Jojo Binay ba o si Mar Roxas ang tunay na nasa puso niya?
Dapat ba niyang tanggalin si Vice President Jojo sa pagka-member ng kanyang cabinet na inaakusahang mandarambong ng mga kapanalig mismo ni Noynoy sa Liberal Party?
Ngunit si Jojo ay kaibigan ni Noynoy at kaibigan din ni Jojo at ng kanyang anak na si Junjun Binay si Kris Aquino.
Higit diyan, kaibigang matalik si Jojo at kamag-anak ng Aquino family na pinangungunahan ng Aquino sisters.
Kaibigan ko si Jojo, inamin ni Noy kamakailan sabay payo kay Jojo na harapin na niya ang mga bintang laban sa kanya upang malinis niya ang kanyang pangalan.
Kaibigan din niya si Mar, si Mar na nagparaya kay Noy sa pagkandidato sa pagka- Presidente. Noy-Mar ang naging sigaw ng Liberal Party noong nakaraang halalan.
Subalit sumulpot din ang Noy-Bi tandem na suportado ng Aquino sisters dahil sila nga ay matalik na kaibigan noon pa mang panahon ni Pangulong Cory Aquino.
Si Cory noon ay kandidato sa pagka-Bise Presidente laban kay Ferdinand Marcos. Si Doy Laurel ang standard bearer subalit sa kakulitan ng partido nila ay pumayag si Doy na tumakbong bise na lamang.
At nawalang parang bula si Doy sa eksena.
Ang napiling kandidato ni Cory sa susunod na halalan ay si Speaker Mitra ngunit ang napupusuan pala niya ay si Fidel alyas Eddie Ramos na nagwagi sa pagka-Presidente.
Balik tayo kay Mar, ang kawawang Mar na walang kaalam-alam na ang best friend forever at text mate pala ni Noy ay si suspended Philippine National Police chief Alan Purisima at hindi si Mar.
At ngayon, floating status si Mar sa ambisyon niyang maging next President dahil ayaw magsalita si Pangulong Noy kung pipiliin pa rin niya si Mar.
Mukhang torn between two lovers si Noy. Si Mar ba o si Jojo? DEEP FRIED/RAUL VALINO
