Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BLUE GUARDS TANGGALIN SA PPA!

$
0
0

INULAN tayo ng reaksyon hinggil sa tinalakay nating kalokohan ng mga blue guard ng Philippine Ports Authority (PPA) riyan sa Batangas City.

Dahil sa reklamo ng mga motorista at truck driver,  naisulat natin kamakailan ang pangongotong umano ng mga sekyu ng PPA-Batangas. Bukod sa panghihingi ng lagay, sagad sa buto raw ang kabastusan ng mga blue guard na nakatalaga rito, ayon sa mamamahayag na si Cris Ibon.

Si katotong Cris, beteranong mediaman na nakabase sa buong rehiyon 4A ay isa sa naging biktima pala ng mga bastos na PPA blue guard. Sa sobrang galit, magsasampa ng pormal na kaso si katotong Cris sa proper authority para hingin na tanggalin ang blue guards sa PPA-Batangas.

Dahil ang ulat na natatanggap natin, imbes na trabaho ang harapin, pangongotong sa mga motoristang pumapasok sa PPA ang inaatupag. Sa mga entrance ng PPA, hindi nakapapasok ang mga motorista, lalo na ang mga truck driver kapag walang padulas sa mga blue guard.

Ang kotongan blues sa PPA-Batangas ay reflective sa pamunuan nina PPA boss Atty. Juan Sta. Ana at Atty. Leopoldo Biscocho. At kung kahihiyan kina Sta. Ana at Biscocho ang nangyayaring kotongan sa PPA, starring blue guards,  aba’y mas nakahihiya sa panig ni PNoy.

Galit si PNoy sa kotongero pero marami pala sa PPA. Dapat ay tanggalin na ang mga blue guard, hindi lang sa PPA Batangas kundi sa lahat ng PPA locations para ‘di lalong mabaon ang ahensiya sa kahihiyan.

Dapat sa PPA ay mga lehitimong kawani ng ahensiya na alam ang tama at mali.

Abangan natin ang aksyon nina Sta. Ana at Biscocho.

MATITIGAS NA COP

Matigas si Rosario police C/Insp. Telesforo Domingo dahil ayaw aksyunan ang matagal nang inirereklamong mini-casino sa MD cockpit.

Galit si R4A director Richard Albano sa mga tamad na cop.

Knowing Gen. Albano, baka isang araw magugulat na lang sina Maj. Domingo at Maj. Ronnie Golfo na dinededma rin ang inirereklamong operasyon ng vk sa Balayan dahil tinanggal na sila ni General sa puwesto. CHOKEPOINT/BONG PADUA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Best Papa jack Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>