Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

WIGGIES

$
0
0

MARAMING benepisyo ang pagbisita ko sa iba’t ibang parte ng bansa para sa   aking trabaho sa sektor ng transportasyon.

Ang pinakamahalaga ay ang konsultasyon sa iba’t ibang grupo ng mga tao, lalo sa mga driver ng pampublikong sasakyan.

Napakahalaga ng konsultasyon para marinig at makarating sa pamahalaan ang mga isipin, kuro-kuro, hinaing at iba pa, ng ating mga drivers.

Ang pinakahuli kong biyahe ay sa Pampanga sa imbitasyon ni Atty. Zona Russet Tamayo, Regional Director ng LTFRB sa Region 3.

Salamat sa kanila ni Atty. Theresa Magtoto, sa pag-imbita sa akin sa Driver’s Training event kung saan ang mga paksa ay samu’t sari ukol sa concerns ng mga public transportation driver – magmula sa safety sa kalye, sa insurance, sa kalinisan ng sasakyan at sarili, kagandahang asal at maging ang kontrobersiyal na issue ng road rage.

Isa pang benepisyo ay ang nakakalap kong kaalaman tungkol sa mga bagay na dapat i-promote sa isang lugar.

Noon pa man ay suportado ko na ang turismo bilang isang sektor na makatutulong sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa.

Sa turismo, hindi lang ang pamahalaan ang kikita, maging ang mga mamamayan ng nasabing lugar. Isa ang pagkain sa magandang panghatak lalo sa mga local tourist.

Kaya dapat ay iangat natin ang mga espesyal na pagkain sa ating lugar para sa mga turista.

Halimbawa nga, sa pagpunta ko sa Pampanga ay hinainan nila ako ng “Wiggies”, lokal na ice cream na napakasarap naman talaga.

Pero ang sabi sa akin ay Bataan daw ang original ng Wiggies, proud naman ako dahil taga-Bataan din ako.

Ipinagmamalaki sa akin ng mga driver na nagdala ng Wiggies ang kanilang ice cream kaya sasabihin ko na ngayon pa lang na kapag nagpunta kayo sa Bataan ay hanapin ninyo kung saan may Wiggies.

Napakaganda ng Bataan, maraming mga historical site at madali lang puntahan at ngayon nga nalaman ko na may Wiggies pa pala roon. Mabuhay ang Bataan at ang Wiggies!

***
Mag-email ng reaksyon sa ariel.inton@gmail.com o mag-text sa 09178295982 o 09235388984. SIBOL/LTFRB COMM. ARIEL ENRILE-INTON


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>