Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

TUWID NA DAAN BAKO-BAKO

$
0
0

HINDI pa man nauupong Presidente si Pang. Benigno Aquino III, ipinakilala na niya sa mga mamamayang Filipino ang kanyang “Daang Matuwid.”

Sa kampanya pa lang, itinatwa na ni Pangulong Aquino ang mga gawaing masama tulad ng pagnanakaw, pangungulimbat at pangongotong ng mga politiko, sundalo, pulis at iba pang nagseserbisyo sa gobyerno. Pero ano itong nangyayari sa kanyang administrasyon? Nakikita ba ni Pang. Noynoy na  mismong ang mga itinalaga at pinagkakatiwalaan niyan mga tao ang tila nakikinabang at gumagawa ng kalokohan sa kanyang “Daang Matuwid.”

Ilang katulong ng President sa pagpapatakbo ng kasalukuyang gobyerno ay pawang kumikita at napupuno ang bulsa kaya paano pa nasasabi ni PNoy na maganda ang ekonomiya ng bansa sa “Daang Matuwid.” Maraming palpak na nagawa na ng mga kumukupkop sa “Daang Matuwid” ni Pangulong Noynoy subalit binabalewala lang ito ng “Hari ng Palasyo” sa hindi malamang dahilan. Hindi naman masasabi na malaki ang pakinabang sa mga ito ng “ama ng bansa.”

Siyempre hindi naman aaminin ni Pangulong Aquino na may kinalaman siya lalo na sa usaping pananalapi. Pero kapag tiningnan mo o pinag-aralan ang mga proyekto ng pamahalaang ipinagmamalaki ang “Daang Matuwid”, tila puro palpak ito sapagkat puro may kinalaman sa pangungulimbat sa pondo ng bayan.

Halimbawa ng mga proyektong pinagkakakitaan ng mga tiwali sa pamahalaan ay ang mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Maraming kalyeng ipinagagawa ang pamahalaan sa ilalim ng DPWH subalit pawang ang “matuwid” ay nagiging “lubak-lubak o bako bako” sapagkat sa halip na maayos at pakinabangan agad ng mamamayan o maraanan kaagad ng mga motorista ay pawang nakabuyangyang ang mga ito at tila kinapos sa pondo.

Bakit naman kasi sabay-sabay ang ginagawang mga kalye gayung dapat ay naka-schedule ang mga ito upang hindi magkasabit-sabit ang gobyerno sa pagba-budget ng gastusin sa mga ito.

Ang resulta tuloy, sabay-sabay ang paggawa kaya lubak-lubak ang mga kalye na dapat sana’y nadaraanan at hindi na umiikot pa sa ibang ruta ang mga sasakyan na nagagasgasan na ng sobra ang mga gulong ay nagagastusan pa ng mahal na krudo o gasolina.

Kaya bang ayusin ni PNoy ang lubak-lubak o bako-bakong daan upang makilala muli ang “Matuwid na Daan.”

Sakaling hindi na makayanan, aba’y dapat na sigurong magbitiw sa tungkulin ang mga tiwaling pinagkakatiwalaan ni PNoy sa Daang Matuwid. Pero mas maganda kung mismong si Pangulong Aquino ang mawala sa puwesto. PAKUROT/LEA BOTONES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>