Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

TAMANG SERYOSOHIN ANG WEST VALLEY FAULT

$
0
0

PANAHON na talaga, mga Bro, na seryosohin ang banta ng malakas na lindol mula sa West Valley Fault na matatagpuan sa kahabaan ng Metro Manila at may hangganan sa Bulacan at Aurora at sa Laguna at Cavite.

Lilikhain ng paggalaw ng bitak ng lupa sa West Valley Fault ang lindol na 7.2 ang intensity o lakas.

Sakto, mga Bro, ang lakas na ito sa yumanig sa Bohol at Cebu ilang taon na ang nakararaan.

Pinaguho ng lindol sa Bohol at Cebu ang halos lahat ng simbahan at maraming gusali ng pamahalaan, negosyante at mamamayan.

Maaari ring lumubog sa minimum na isang metro ang isang bahagi ng bibitak ng lupa at maaaring aangat din ang kabila ng isang metro.

Kilo-kilometro naman ang haba ng pagyanig na pakuros sa WVF.

Ganyan katindi ang lakas na 7.2 na lindol at maaari pa nga umanong lalakas pa.

ANGAT DAM

Isa sa mga pinakadelikadong bahagi ng paggalaw ng WVF ang pagguho ng Angat Dam.

Pero ang nakatatakot ay nakaupo sa WVF ang Angat Dam na pinagkukunan ng Metro Manilo ng 97 porsyento ng tubig-inumin nito.

Libo-libong ektarya namang palayan ang pinatutubigan ng dam sa Bulacan at Pampanga.

Pinanggagalingan din ito ng malakas ng kuryente dahil isa nga rin itong planta ng kuryente o hydroplant.

‘PAG SUMABOG

Kapag sumabog ang Angat dam dahil sa malakas na lindol, baka hindi uubra pati ang mga dasal natin.

Patawarin tayo ni Bathala sa salitang ito bagama’t sa totoo lang, siya lang ang ating tagapagligtas sakaling may mangyari.

Heto ang mangyayari, mga Bro.

Nasa 30 metro ang sasambulat na taas ng tubig baha mula sa Angat dam.

Tatakbo ito sa bilis na isang kilometro kada segundo pababa sa mga lalawigan ng Bulacan, Pampanga at ilang bahagi ng Metro Manila sa norte.

Sa ganyan kabilis ng takbo ng tubig na katumbas ng bilis ng bala ng baril, sino ang makaliligtas sa mga daraanan ng tubig nito?

Mawawalan din ng tubig ang 15-milyong residente ng Metro Manila dahil 97% rito ang galing sa dam.

Paano kung may sunog at walang mapagkukunan ng tubig ang mga bumbero?

At kung gabi mangyari ang lindol, magkakaroon ng malawakan at matagalang blackout sa paghinto ng planta ng kuryente ng dam.

Paano isasagawa ang mga search and rescue, paano ang pagkaparalisa ng mga ospital at mga pwersa ng gobyerno na mababarahan ng mga gumuhong gusali, LRT at MRT at bumitak na lupa?

‘DI INIINTINDI

Matagal nang alam ng gobyerno na may mga bitak ang Angat Dam dahil sa rin sa katandaan nito at sa pamiminsala ng mga nagdaang lindol.

Panahon pa ni Aling Cory, alam na ng gobyerno dahil itinayo nga ang dam noong 1968 pa.

May pondo na ngang mahigit sa P6-bilyon para ayusin ito pero nakapagtatakang walang kumikilos upang palakasin ang dam laban sa lindol.

Kahit sa panahon ng Tuwid na Daan, walang kumikilos.

Ang daming rason ng mga nasa gobyerno para hindi kumilos sa kabila ng nakaambang panganib mula sa pagsabog ng dam dahil sa WVF.

Inuuna pa ng mga anak ng tipaklong ang pagbakbak sa Konstitusyon para lang tutugma ito sa inilalakad nilang Bangsamoro Basic Law na pagkukunan nila ng milyong boto sa 2016.

At pagkakaperahan nila dahil magkakaroon ang Bangsamoro government ng minimum na P78-bilyong panimulang pondo.

PRESIDENTIABLES WALA RIN

Kung pakikinggan mo ang mga anak ng tupang kandidato sa pagka-Pangulo sa halalang 2016, wala ring marinig sa mga ito na pagmamalasakit sa milyon-milyong mamamayan na mapipinsala.

‘Yang mga siraan at pagkukulong ng isa’t isa at palinisan ng pangalan ang inaatupag nila.

May inaprubahan naman ang mga kongresman na batas na nagsasabing gamitin ang P170-bilyong Malampaya Fund para sa pagpapahusay ng industriya ng kuryente, kasama na ang pagbibigay ng kuryente para sa lahat daw 42,000 barangay sa buong Pinas.

Pero hindi nating nariringgan ang mga mambabatas na ito kung kasali ang Angat dam sa mga ipagagawa dahil sa pagiging delikado nito.

Ang sigurado rito, naglalaway ang mga nasa gobyerno na gamitin agad sa kanilang mga proyekto ang P170 bago mawala ang gobyernong Tuwid na Daan.

PORK BUHAY NA BUHAY

Sabi nga ni Sen. Serge Osmeña, kahit idineklara ng Supreme Court iligal at labag sa Konstitusyon ang Priority Development Assistance Fund at Disbursement Acceleration Program na parehong pork barrel, may pork pa rin ngunit iba lang ang tawag.

Pupwede bang gawing pork barrel o pagkakitaan ang P170 Malampaya Fund?

Ilista natin kaya sa 50,000 na mamamatay sa lindol ang mga politiko ngayon?

o0o
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Lagarto para colorear


Love Quotes Tagalog


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>