Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

INIPUTAN NA NAMAN NI PNOY

$
0
0

KINASTIGO ni PNoy ang mga taong sa palagay niya ay responsable sa malagim na sinapit ng mga trabahador sa nasunog na pabrika sa Valenzuela City.

Tsk tskk tskk… parang ‘SAF 44’ lang, ‘di ba? Nang isagawa ang operasyon sa bayan ng Mamasapano ay walang ideya si DILG secretary Mar Roxas kasi [nga] inilihim sa kanya ni PNoy.

Pero hindi pa rin nadala itong si PNoy. Muling umepal sa isyu ng sunog blues sa Valenzuela City samantalang klaro naman na ito’y usapin na nasa loob ng bakuran ng DILG – ni Mar Roxas.

Ang alam ko ay itong si Roxas ang pumupustura para maging susunod na Pangulo ng bansa kaya madalas ay mapintasan ito na sobrang epal sa mga isyu na hindi naman saklaw ng kanyang mandato.

Ngayong pasok na pasok sa kanyang mandato ang isyu ng sunog… iniputan naman siya ng kanyang kaibigan na si PNoy. Sayang na sayang dahil dagdag-pogi points sana ito para kay Roxas pero pinag-interesan pa ni PNoy.

Kung usapin ng kapalpakan o tagumpay ng trabaho ng mga bumbero, aba’y saklaw ni Roxas iyan. Ganoon din naman sa mga pulis at lalong maging sa lahat ng alkalde at gobernador ng bayan, siyudad at lalawigan sa buong bansa.

Subalit nilamon itong lahat ni PNoy na tila siya ang kandidato ng Partido Liberal bilang susunod na Pangulo sa 2016 National Elections. Desperado na itong si PNoy – kaawa-awa naman.

Aba’y kakana na rin lang, salto pa itong si PNoy. Kasalanan daw ng alkalde dahil sa ibinigay nitong Business Permit kahit walang Fire Safety Inspection Certificate o FSIC mula sa mga bumbero.

Kasalanan din daw ng may-ari ng pabrika dahil hindi ito kumuha ng FSIC sa mga bumbero. Batay sa rekord ay noong taong 2012 huling nakakuha ng FSIC ang naturang pabrika.

Excuse me po, PNOy! Noong 2010 pa pirmado ang Joint Memorandum Circular No. 01, Series 2010 na nag-uutos sa mga lokal na pamahalaan na bilisan ang pag-isyu ng business permits. Isang araw lang dapat!

Kaugnay noon ay iniutos din na palakasin ang kakayahan ng gobyerno na sa pagsasagawa ng inspeksyon kasama ang mga bumbero sa ilalim ng tinatawag na Joint Inspection Team o JIT.

Kung ganoon, ano ang kasalanan ni mayor? Ano ang kasalanan ng may-ari ng pabrika? Mandato ng mga bumbero na ikutan ang mga negosyo at hindi ang mga negosyante ang pupunta sa kanila.

***
Para sa komento o suhestyon: eksperto71@gmail.com EKSPERTO/JOIE O. SINOCRUZ, Ph.D.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Love Quotes Tagalog


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>