Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SALAMAT SA INYO, COACH

$
0
0

KAILAN lamang ay nanaig ang mga atleta ng Marist School Marikina at naiuwi ang kampeonato sa football, basketball at baseball.

Sa football ay champion ang Marist sa Mabuhay Cup – 1st Tourism Cup na ginanap sa Ayala Alabang Country Club kailan lamang.

Sinundan ito ng mga basketbolista ng Marist sa pagiging champion ng Batang PBA sa Araneta Coliseum ilang araw pa lang ang nakalilipas.

Champion din ang Marist sa Marikina Baseball Invitational League Pinto Division.

Huwag kayo magtataka kung bakit laging champion ang Marist School Marikina – maganda kasi ang kanilang sports program. ‘Yung winning tradition nila goes way, way back. Kahit ipagtanong mo pa. Basta pag sinabing Marist … football, baseball, basketball kaagad ang papasok sa isip ng tao.

Mula kasi sa mga presidente ng Marist: dati si Brother Pat Corpus, ngayon naman si Brother Niño Pizarro. Hanggang sa Sports Coordinator nila na si Mister Falconneri Tulabot … pare-parehong todo-suporta sa sports! Kaya ayun, madalas Champion!

Natural, malaki ang papel na ginagampanan ng mga coach sa Marist. Sa Football, si Coach Frank Muescan ay 18 years nang nasa Marist. Naging champion ang Global FC sa United Football League ng 2 taon at ang UP Fighting Maroons Men’s Football Team ng ilang taon habang head coach nila si Coach Frank. Siya ang naghubog sa kilalang football players sa national team at UFL team na sina Ace Villanueva at OJ Clarino. Mapalad ang Marist dahil solid ang coaching staff ngayon sa pagpasok nina Coach Alhassan Prince Yunusa at Coach Gerald Pacquiao.

Sa Basketball, sina Coach Sunny Manucat, Coach Manny Cuevas, Alfredo Hubalde, Rufino Agonoy, Jr. at Dennis Centeno ang nagpatibay ng basketball tradition ng Marist.

Sa Baseball naman ay sina Coach Sonny Pensaber, Marvin Malig at Nelson Robin Go.

So makikita n’yo na mahuhusay talaga ang sports officials at sports program ng Marist School, ‘di ba?

Ang nakalulungkot, marami sa mga outstanding athlete nila ay pinipirata ng ibang eskwelahan o lumilipat sa ibang schools. Ang madalas na dahilan ay ang athletic scholarship o benefits na inaalok ng ibang schools sa kanila.

Ang swerte lang ng Marist ay kahit na gaano karami ang lumipat sa UST, Ateneo, La Salle, at NU … marami pa rin silang nade-develop na bagong atleta na nagste-step up para ipagpatuloy ang winning tradition nito.

At ‘yan ay dahil sa kahusayan ng mga coach ng Marist. ABISO/PAUL EDWARD P. SISON


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Love Quotes Tagalog


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>