Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PWD BIGYANG IMPORTANSYA

$
0
0

NAPAKARAMING pribilehiyo ang napapaloob sa “Magna Carta for Disabled Persons” sapagkat tulad ng pangkaraniwang tao, kailangan din ng mga kababayan nating may kapansanan na mamuhay nang normal upang maging kapaki-pakinabang sa lipunan.

Hindi naman kasi hadlang ang kanilang kapansanan upang gawin ang mga ginagawa ng normal na tao tulad ng pagkakaroon ng pamilya, pagtatrabaho, paglalaro at higit sa lahat, pag-aaral.

Karamihan pa nga sa mga may kapansanan ay mas may kabuluhan pa ang buhay sapagkat marami sa kanila ang nagsusumikap na maipakita sa ibang normal na tao na mas may pakinabang sila.

Sa kabilang banda, hindi rin naman kailangang ikahiya ng mga may kapansanan ang kanilang kalagayan sa buhay sapagkat pinipilit naman ng pamahalaan na maibigay ang kanilang pangangailangan maliban lang kung sila mismo ang magbababa sa kanilang sarili at tiyak na walang ibang gagawa ng pag-angat sa kanilang kalagayan.

Kailangang sila muna ang maniwala sa kanilang sarili, patunayan na kaya nilang gawin ng normal na tao at magtagumpay.

Hanga ako sa katulad nitong batang babaeng nakilala ko kamakailan. Nagtapos siya ng BS Biology sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila noong Abril 2015 at may kabuuang marka na 1.8.

Mataas ang marka nitong bata na may kapansanan sa kanyang paa. Naghangad siya na abutin pa ang mas mataas na pangarap kaya nagbakasali siyang makapasok sa nasabi ring paaralan at kumuha ng kursong medisina.

Subalit hindi siya binigyang prayoridad ng kanilang paaralan hindi dahil sa bumagsak siya sa entrance exam kundi dahil sa kanyang panlabas na katauhan na nakita ng isa sa interviewee.

Tinanong siya na kakayanin ba niya ang kurso sa kanyang kalagayan. Dahil malakas ang loob ng bata ay sumagot ito na kakayanin subalit hindi siya pinaniwalaan at ang masaklap ay hindi siya binigyan ng pagkakataon na patunayan ang kanyang kakayahan.

Sa madaling salita ay hindi siya napabilang sa mga pumasa na makapasok sa College of Medicine sa PLM.

Kaya naman naninikluhod ang mga magulang ng bata na sana’y mabigyan ng pagkakataon ang kanilang anak na makapasok sa kolehiyo at makapagtapos sa kanyang pangarap na maging manggagamot.

Hindi naman makapag-enroll sa ibang kolehiyo ang bata sapagkat hindi kaya ng kanyang mga magulang na tustusan siya sa nasabing kurso.

Sana’y mabigyan ng pagkakataon ng PLM ang bata na makapasok sa kanilang paaralan upang makapagtapos. Anong malay natin, baka kapag naging mahusay na manggagamot itong mag-aaral ay suklian ang pamahalaan sa pamamagitan ng pagbibigay ng kanyang serbisyo sa pamahalaan. PAKUROT/LEA BOTONES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Lagarto para colorear


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>