BAYAD na ang ilan sa mga kongresista matapos pikit-mata nilang pirmahan ang posibleng pagpasa “at all cost” ng Bangsamoro Basic Law.
Pikit-mata dahil alam nilang maraming iligal na probisyon ang panukalang batas BBL pero matapos ang mahabang usapan sa loob ng gusali ng Malacañan, mismo ang lider ng komite ay nagbago ang utak – APRUB!
Of course, katulad ng dati, walang aamin sa mga kinausap ni PNOY na kongresista. Remember the impeachment made against the former Supreme Court Chief Justice Renato Corona?
188 na kongresista ang binigyan ng P50-milyon kada isa at may bonus pa. Doble naman ang ibinigay sa mga senador at inamin iyan mismo ni Senador Jinggoy Estrada. Kung nagawa ni PNOY noon, mauulit na naman ngayon?
Sa pagdinig ng mga kongresista, nasa isang malamig na kuwarto itong si PDAF-DAP titser Butch Abad. Obviously, para iabot ang gantimpala sa bawat pipirma na mambabatas. It happened. Paid!
At ngayon, nagsabi na naman si Benigno Aquino III, ang mga senador naman ang kanyang kakausapin. Uy ha, may masansang na amoy na naman sa Malacañan.
Magkano naman, este, ano naman kaya ang niluluto para ipakain nila sa mga senador?
Kung ibabatay sa mga balita, hindi papasa sa mga senador natin ang “at all cost” na BBL ni BSA3 at MILF kahit sabihin pa na kapag hindi ito pumasa ay muling lalagablab ang mga baril, riple at kanyon sa Mindanao.
Nagsalita na si Senador Miriam Defensor-Santiago, isang mahusay at magagaliting constitutionalist. Alam niya ang batas. Alam niya ang tama lalo na ang mali. Sinabi na ni Santiago, walang batayan ang anomang bahagi na nakasulat sa BBL draft kundi pawang mga iligal at kontra konstitusyon.
Kung si Senador Chiz Escudero rin, bagsak ang BBL. Kay senador Bongbong Marcos, wala itong pag-asa. Ewan sa iba nilang kasamahan na senador kung ano sa kanila ang BBL, kwarta o kahon?
Sa huling pulong ng Senado, nandu’n ang maraming katutubo o Indigenous Peoples’ (IP) groups, nandoon din ang iba’t ibang maharlika natin mula sa magkakahiwalay na Sultanato. Mabigat ang bintang nila sa OPPAP at MILF.
HINDI MAN LANG SILA ISINALI SA USAPAN TUNGKOL SA BBL!
Totoo ang sumbong nila sa mga senador natin. Nakausap natin ang ilang grupo ng IP. Hindi sila nakonsulta. Mayroon daw ilan silang nalaman na isinama sa konsultasyon na ginawa ng OPPAP at MILF pero hindi umano mga tunay na lider ng mga katutubo ang mga iyon!
In short, peke ang mga pinapirma ng OPPAP at MILF. Pati ang mabunying Sultanante of Sulu na kinikilala pa rin sa buong mundo bilang monarkiya ng bansa, binastos ng OPPAP at MILF!
MAGKANO NAMAN NGAYON ANG PARA SA MGA SENADOR, MR AQUINO? BALETODO/ED VERZOLA

