Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

NAKAKA-BO WANG ANG KASONG ITO

$
0
0

NASA gitna muli ng kontrobersiya ang Bureau of Immigration (BI) nang mabunyag na binaliktad nila ang deportation order sa pugante mula China na si Wang Bo kapalit ng P540-milyon, at tinangkang palayain ito.

Kung totoo ito ay nakaka-Bo Wang ang kaso dahil sa laki ng halagang ipinansuhol para makalaya ang suspek.

Inaresto si Wang nang dumating sa bansa noong Pebrero dahil kanselado ang pasaporte nito at nasa blacklist ng BI.

Nagawaran umano ito ng release order noong Mayo 21, 2015 nang dahil kina Associate Commissioners Abdullah Mangotara at Gilbert Repizo.

Hindi lang nai-release si Wang at nanatiling nakadetine sa BI dahil nagprotesta ang Chinese embassy, at kinansela ni Justice Sec. Leila de Lima na humahawak sa BI ang naturang release order.

Dapat paimbestigahan ito nang husto ni De Lima.

Paano nila nagawang balewalain ang $100-milyong kaso ng embezzlement ni Wang sa sariling bansa?

Ngayo’y pare-parehong may putik sa pangalan ang nangungunang commissioners ng Immigration.

Ang mismong BI commissioner na si Siegfred Mison nang dahil sa pagpapalaya sa isa ring Chinese national na nagbalik sa Pilipinas matapos itong ma-deport.

Sina Repiza at Mangotara ay naputukan naman dito kay Wang Bo… Nakaka-Bo Wang talaga riyan sa BI!

*              *              *

Sabit din sa kontrobersiya ang House of Representatives.

Pumutok ang balita na P100-milyon sa payola ay napunta umano sa Immigration at ang P440M ay sa 292 kongresista para maipasa ang Bangsamoro Basic Law.

Hindi dapat pabayaan ng House ang panibagong isyu na kumukuwestyon sa integridad ng kanilang institusyon. Hindi biro na Chinese crime lord ang sinasabing pinagkuhanan ng administrasyon ng pansuhol para maaprubahan ang BBL.

*              *              *
SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View. FIRING LINE/ROBERT ROQUE, JR.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES