Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MGA POLITIKO HINDI AAMIN

$
0
0

KAININ man ng lupa ang mga politiko natin, lalo na yaong mga nasa Kongreso, hindi nila kailanman aaminin na binigyan sila ng payola ng big boss mula sa Malakanyang! Itaga ninyo sa bato iyan!

Katulad na lang itong masalimuot na Bangsamoro Basic Law (BBL) na gusto ni Benigno Aquino III (BSA3) na isaksak sa baga natin sa pamamagitan ng Kongreso, sa paraan na “at all cost”, sentido kumon na lang ang pang-unawa natin.

“At all cost”. Ibig-sabihin kahit na magkanong paraan basta maipasa lang ang BBL ng anarkistang Aquino-MILF. Matapos ang sinabi ni Aquino na iyon, hayun, maski ang mga dati na nangunguna sa pagtutol ay biglang kambiyo at bumoto na sa komite ng yes na yes!

Itanggi man ng humigit-kumulang 50 kongresista na bumoto ng yes, maingay ang mga surot sa Malacañan at Department of Budget and Management sa hindi nila masikmura na malaking pondo na naman ni Juan dela Cruz ang mapupunta lang sa bulsa ng mga “yes sir.”

Noong araw ng botohan, nandoon sa Kongreso si Butch Abad sa hindi malaman na dahilan daw. Ang totoo, may dala siyang pakete para sa mga kongresista na P50-million plus P1-milyon. Ang 50 ay para raw sa “proyekto” ng mga mambabatas na nag-yes at ang P1-million ay outright bonus!!!

Sinundan ang balita na nagpakawala muli ang Malacañan ng malaking pondo para pa rin sa BBL. Sabi naman ng tsismoso sa Bureau of Immigration (BI), ang nagpondo ay ang matinding kriminal mula sa China na nasa “pangangalaga” ng BI, si WANG BO o BUWANG.

Nagpadala ng dokumento ang China, Interpol at Anti-Crime Unit nila sa DOJ-BI bilang patunay na big time criminal itong si WANG BO na dapat mai-deport agad sa China para harapin ang kaso. Pero “may himala” sa DOJ-BI. Sa halip na i-deport si BUWANG, pinalaya siya?

Eh ‘di ano pa kundi turuan blues uli ang DOJ-BI pati ang Kongreso. Sabi nila, “hindi totoo na namigay ng malaking daan-daan na milyong pondo si WANGBO para ipanlagay sa mga mambabatas at sangkot na opisyal sa kanyang paglaya.

Nakupo, Pareng Intoy, tawasin man natin ang mga hindoropot na mambabatas, mga politiko na nasasayaran ng matiwaling payola, PDAF, DAP at iba pang uri ng panggagantso ng mga politiko natin, HINDI AAMIN ANG MGA UKINNADA NGA POLITIKO!

Katulad iyang sa BBL, kung gusto ng Malacañang-OPAPP-Congress na maniwala ang taumbayan na walang inilabas na malaking pondo ni Juan, mas mabuti pa, itigil na ang kabaliwan ng Malacanang-OPAPP-MILF na ipagpilitang maipasa ang kontra-Konstitusyon na panukalang ‘yan.

Muli, bumuka man ang lupa, hindi aamin ang mga politiko! AT ALL COST, “NO, NO, NO TO BBL!!! BALETODO/ED VERZOLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>